Chapter 3

11 0 0
                                    

Pinipilit ni Nathan alalahanin kung sino ang babae pero wala talaga siyang matandaan na may babae siyang nakausap man lang kagabi sa bar. Walang pumapasok sa isipan nya dahil ang huling natatandaan nya ay ang pag iinom nya sa bar ng kaibigan. Bumangon na siya at naligo at nang makarating sya sa sala ay naabutan nya ang ina na nagbabasa ng magazine.

" Good morning Nathan, Nalasing ka kagabi. Sinabi sa akin ni mang Jun na hindi ka na nakapag drive sa sobrang kalasingan, kaya inihatid ka na lang ng waiter ng kaibigan mong si Paul na pakilala raw kay mang Jun nung lalaki. May problema ka ba Nathan, kaya ka nagpapakalasing ng ganon? " bati at usisa ng kanyang ina.

" Wala Mom! nagkasiyahan lang kami nila Paul kagabi sa club, dahil siguro sa pagod kaya nalasing agad ako! " alibay niya sa ina kaya hindi na siya kinulit pa.

" Okay! Malapit ng mag lunch time gusto mo na bang kumain? Magpapahanda na ko ng food sa dining o magkakape ka na muna? " tanong ng ina sa kanya.

" Coffee na lang muna mom.Thanks! " wika nya.

" Rose, paki gawa naman ng kape ang sir Nathan mo, please! " utos ng mommy ni Nathan sa kasambahay.

" Sige po Senyora! " sagot naman ni Rose.

" Sandali lang mom, pupuntahan ko lang si Mang Jun may gusto lang akong itanong sa kanya." ani ni Nathan sa ina na tumango naman at tinanaw ang anak na naglalakad na papunta sa may gate.

" Mang Jun, magandang umaga ho!" pagbati nya.

" Sir Nathan magandang umaga din ho. May kailangan po ba kayo!? " nagtatakang tanong ni Mang Jun dahil sa paglapit sa kanya ni Nathan.

" Mang Jun ang sabi ni Mom inihatid ako kagabi ng isang lalaki dito! Wala ba akong kasamang babae na pumasok sa bahay kagabi? " Tanong ni Nathan kay Mang Jun.

" Wala pong babae sir Nathan baka pong sinasabi ninyong babae ay si Ayesha kagabi. Nagpatulong po kase ako sa kanya kagabi na asikasuhin kayo pero kailangan kong bumalik agad dito dahil walang magbabantay sa gate. Iniwan ko po kayo sa kanya kagabi sir Nathan.
Bakit sir Nathan natanong nyo? wala po ba kayong matandaan sa nangyare kagabi!? Sabagay nalasing ata kayo ng husto. " ani naman ni Mang Jun. At tumango tango si Nathan na sinulyapan ang bahay nila.

" Sige Mang Jun salamat! " naglakad na siya pabalik sa loob ng bahay. Sigurado na siyang si Ayesha ang babaeng nakatalik nya. Napangiti sya sa nalaman at wala siyang naramdaman na bigat sa loob bagkus ay nakakaramdam pa sya ng kasiyahan sa kanyang kaloob looban.

Nagtatanghalian sina Ayesha, Rose, Beth at Manang Lilia ng pumasok sa kusina si Nathan.

" Sir Nathan, may kailangan po ba kayo? " ani ni Lilia ng makita sya sa bungad ng pinto ng kusina.

" Ah yes! Gusto ko sana papalitan ang bedsheet ng kama ko Manang Lilia. Pero ang gusto kong mag linis ng kwarto ko ay si Ayesha." wika ni Nathan.

Napaubo si Ayesha sa narinig na sinabi ni Nathan kay Manang Lilia. " T-teka, ba-bakit ako hindi ko pa tapos ang labahin ko! Si Rose na lang Manang Lilia." angal ni Ayesha.

Sinamaan naman siya ng tingin ni Manang.
" Ah sige sir Nathan, pasusunurin ko na lang sa kwarto mo itong si Ayesha para mag linis doon." nakangiting wika ni Manang Lilia kay Nathan.

" Salamat manang! " seryosong ani ni Nathan at pinasadahan pa ng tingin ni Nathan si Ayesha bago ito lumabas sa kusina.

Nagkatinginan naman sila sa inaasta ni Nathan.
" Bilisan mong kumain diyan Ayesha at umakyat ka agad sa kwarto ni sir Nathan." utos pa sa kanya ng mayordoma.

Huminga ng malalim si Ayesha at tinapos na ang pagkain na nasa plato nya. Inayos nya ang sarili atsaka lumabas ng banyo nila at tinungo na ang silid ni Nathan na pinagpapawisan ang palad dahil sa nerbiyos. Hindi lang siya nagpahalata kanina sa kusina dahil baka magtanong pa sa kanya ang mga kasama.

A Night with Mr. SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon