12

888 21 1
                                    

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.






CHAPTER TWELVE







LUMABAS si Donna ng bahay para bumili ng agahan niya.

Jane went home to her family last night at sumabay na sa mga kaibigan niya pauwi ng city kaya mag-isa siya sa bahay sa day off niya.

Silver went home immediately pagkatapos siya nitong ihatid at mukhang nagmamadali ito.

"Doc!" Masayang wika ni Angel, ang anak ng may-ari ng bilihan nila ng pagkain. "May tortang talong kami ngayon at leche flan."

Ngumiti siya sa dalaga at lumapit dito, "Sige, dalawang talong tapos leche flan." Inabot niya sa dalaga ang paper bag na may lamang bento box niya.

Masayag hinanda ng dalaga ang pagkain niya at sya naman ay naupo sa bakanteng mesa sa may dulo.

Nakita niyang pumasok si Marian sa tindahan na naka uniform at may dalang libro.

Bumili ito ng pagkain at humarap sa mga upuan, ngumiti ito ng makita siya.

"Doc, kumakain ka din dito?" Nakangting wika ng babae at umupo sa table niya.

Binaba nito doon ang pagkain habang nakangiti parin sa kanya

"Yup." Simply niyang sagot at pinabayaan ang babae.

Tahimik na kumain naman ito, napatingin si Donna sa mukha ni Marian.

Matagal na niyang napansin na magandang babae ito at mukhang hindi gumagamit ng make up o kahit ano sa mukha.

She was naturally pretty.

Natigil lang siya sa pagtingin sa dalaga ng may pumasok na lalaki sa tindahan.

Wala naman ibang matangkad sa Paes kaya agad niyang nakilala si Silver.

Napansin ni Donna na agad umayos ng upo si Marian sabay ayos sa mukha nito habang sumusulyap kay Silver.

Napangisi si Donna at inalis ang tingin sa babae ng dumating ang order niya.

Binigyan pa siya ni Angel ng iced tea na doon niya ininom.

Lumingon si Silver sa pwesto nila at ngumiti, napating ulit siya kay Marian at nakitang ngumiti din ito.

Pero alam ni Donna sa kanya nakatingin si Silver dahil nag text ito sa kanya pagkatapos.

Kinuha niya ang baso at ininom ang laman non habang binabasa ang message ni Silver.

Silver B.

I have fresh cookies at home.

Napangisi siya bago niya binaba ang phone pagkatapos yun basahin.

"Doc, una na ako." Nakangiting wika ni Marian at nagmamadaling tumayo.

Tumango siya sa dalaga habang umiinom ng juice.

Sumusulyap pa si Silver sa kanya ng lapitan ito ni Marian.

Hindi na siya tumingin sa mga ito at kinuha nalang ang phone niya at nag hanap ng mga bagong undies at pantulog.

She's fine with girls hanging around him, as long as he doesn't feel comfortable.

Donna have the urge to protect him from everyone because she thinks Silver is soft hearted at maaari itong e take advantage ng ibang tao.

"May duty ka ba ngayon? Pwede ba ako sumabay para ma save ko yung pamasahe ko?" Nakangiting wika ni Marian.

MEN IN SUIT 3: Silver Baltazar (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon