🔞 13

1.1K 21 0
                                    

The following content includes mature scenes that are not suitable for the young minds.




CHAPTER THIRTEEN






BINABA ni Silver ang hawak sa mesa bago siya mabilis na nagpunta sa locker room para magpalit na sana ng damit.

"Ver, salamat talaga ha." Wika ng isa sa head ng rescue na lumapit sa kanya. "Short na naman kami sa tao."

Ngumiti siya sa lalaki at tinapik ang balikat nito. "Okay lang wala din naman akong ginagawa."

Tutuloy na sana siya sa locker room ng patakbong nagtungo sa kanya ang isa sa kasamahan niya.

"Ver, may naghahanap sayong babae sa labas." Wika nito na mukhang tumakbo pa. "Maganda tapos mukhang mabait."

Kumunot ang noo niya dahil kaka text pa lang sa kanya ni Donna kanina supposed to be ay hindi pa ito dadating.

Pero napangiti siya ng maisip na baka napaaga lang ito.

They were planning on buying groceries together at kumain sa labas since it's her day off.

"Mukhang masaya ka ah, ang ganda ng shota mo." Kantiyaw nito sa kanya na ginantihan lang niya ng ngiti.

Hindi na muna siya tumuloy sa locker at lumabas para hanapin si Donna pero biglang nawala ang ngiti niya ng ibang babae ang nasa harap niya.

"Marian? Anong ginagawa mo dito?" Takang tanong niya kay Marian.

Ngumiti ng matamis ang babae sabay abot sa kanya ng isang supot na hindi niya alam kung ano ang laman.

"Pagkain." Sagot nito. "May vacant time kasi ako kaya naisip ko sumabay ng lunch sayo."

"Paano mo nalaman na naka duty ako ngayon?" Tanong niya dito.

Walang may alam na nandoon siya ng araw na yun dahil madaling araw siyang umalis sa Paes.

"Ah- nasabi lang ni Lola." Anito at ngumiti.

Hindi siya naka kibo, he knows she was lying.

Matagal na niyang napapansin ang pakikitungo ni Marian sa kanya.

The first one to notice was his guards.

Alam niyang ilang beses siyang binabantayan ni Marian, she's obviously been flirting with him for a long time.

A few incidents happened with the girls na nakikipaglapit sa kanya sa Paes.

And he knew it was all her doing, wala lang talaga siyang makitang ebedensya pero hindi niya ito magawang pagsabihan dahil sa pakiusap ng lola nito.

"N-natatakot kasi akong mag-isa kaya please-" humawak ang babae sa balikat niya.

Bago pa niya maialis ang kamay ng babae sa balikat niya ay biglang dumating si Donna sabay hila sa kanya ng marahan.

"Sorry, may date kami." Nakangiting wika ni Donna.

Pareho nilang napansin ang pagtalim ng tingin ni Marian kay Donna pero agad din itong umayos.

"Ah ganon ba pasensya na." Ngumiti ito.

Hinila na siya ni Donna paalis patungo sa motor niyang nakaparada sa di kalayuan.

He's bothered.

Kagabi pang bumabagabag sa isip niya ang tungkol kay Marian.

He was scared something might happen to Donna kagaya nang nangyari sa mga babae na lumalapit sa kanya dati.

MEN IN SUIT 3: Silver Baltazar (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon