7

58 2 0
                                    

"Ano?!" Sabay-sabay kaming napasigaw na magkakaibigan sa kwento ni Anne sa amin.


"Break na kayo?" tanong ni Chantal sa kanya. Hindi sumagot si Anne at bigla lang siyang umiyak. 

Friday na ngayon and we're all here at Lagoon, eating lunch. At dahil ayaw pa namin umuwi, we all decided to just kill our time here, besides, Anne really looked like a mess right now.


"H-Hindi naman daw b-break... s-space lang..." umiiyak pa rin niyang sagot.

"Gano'n na rin 'yon eh!" parang galit namang sagot ni Janine sa kanya.

"Aba, sa dami ng ginawa at sinakripisyo mo sa kanya, siya pa ang may lakas ng loob manghingi ng space?!" Chantal had no chill, she's really mad.

"Sabi rin sa akin ni Matt, inalagaan ka niya kagabi dahil nagkasakit ka raw. May sakit ka na nga at lahat, wala pa rin siyang pakielam eh no? Gago talaga." pagku-kwento naman ni Darla, and with the way she cursed, I'm pretty sure she's also pissed. Hindi naman kasi 'yan mahilig mag-mura katulad ko eh.

"Oh, tapos? Don't tell me nagmakaawa ka pa para pigilan ang gusto niya?! Please lang, 'wag mo sa akin sabihing gano'n ka talaga ka-tanga?!" nakapamewang namang sabi ni Jean.

Wow, harsh.

"Girls, chill lang kayo and don't shout at Anne, please. Parang kay Anne pa kayo mad niyan e." singit ko naman. I was sitting beside Anne, rubbing her back. She was just continuously crying.

"Nakakainis kasi si Jayden! Hindi naa-appreciate si Anne, parang tanga!" si Chantal.

"Oo nga, tapos ang hinahanap pa lagi 'yung best friend niyang alam naman ng buong mundo na mahal na mahal siya! Hinahanap pa sa harap ng girl friend niya! Abnormal!" si Janine naman.

Napatingin kami kay Anne nung bigla siyang magsalita ulit, "It's okay..." panimula niya, habang pinupunasan ang luha niya. "I understand... he needs to recuperate and heal... ayon ang importante sa akin ngayon... wala na akong paki pa sa iba."

Nagkatinginan naman kaming lima.

"...and if all I have to do is wait, then I will... kahit walang kasiguraduhan na sa akin siya uuwi, ayos lang... basta gumaling siya, ayos na." that moment, she lifted hear head up and looked at us. "Thank you, guys, kasi nandito kayo para sa akin..."

"Of course, we'll always be here. Don't be shy to show how you truly feel when you're with us..." sagot ko sa kanya.

"Kahit sa amin lang, magpaka-totoo ka. Umiyak ka, tumawa ka, umiyak ka o mag-lasing, sasamahan ka namin." we all smiled at what Darla said.

"At salamat din dahil pinagkatiwalaan mo kami sa kwentong 'yan. 'Wag ka mag-alala, nandito lang kami lagi para sa'yo." sagot din ni Jean.


I smiled at all of them. Ang sarap sa feeling na may ganito kang klaseng mga kaibigan, lalo na sa college. College is tough, ang daming requirements tapos minsan sabay-sabay pa ang mga professors magbigay. 

What makes it harder for me though, is the fact that most of my blockmates regard me as someone unworthy of being here in PUP.

It's funny because as old as I am, and as mature as we'd expect ourselves to be at this age... I was actually being bullied. People were saying stuff behind our backs, pero, lalo na sa akin.


"Ah, oo, ang alam ko mayayaman naman mga 'yan. Sayang slot sa kanila, sana binigay na lang sa may kailangan."

What is Love? (Sinta Series #2)Where stories live. Discover now