CHAPTER ONE

3 0 0
                                    

"Wow wow laki laki" Masayang sabi ng bunso kong kapatid na si Deux.

Eight years old lang siya samantalang ako ay eighteen years old. Dalawa lang kaming mag-kapatid at si Deux na ang last dahil hindi na pwede mag buntis si Mama.

"Dito na tayo titira, Mama?" Tanong ni Deux kay Mama. Tumango lang si Mama bilang sagot.

Pinapanuod ko si Papa na ipasok ang mga gamit namin sa loob ng bahay. Hindi naman malaki sakto lang para sa isang maliit na pamilya. Ang sabi ni Mama ay may dalawang kwarto lang ang bahay na 'to.

"Mahal! Nakita ko may papag ang bawat kwarto hindi na tayo hihiga sa sahig" Masayang bungad ni Papa kay Mama nang makalabas siya ng bahay.

"Talaga?!Mabuti naman, ayos na ayos pala itong uupahan na'tin" Natutuwang sabi ni Mama tsaka kinuha ang platuhan at ipinasok sa loob.

Tuloy-tuloy lang sila sa pag-pasok ng gamit habang ako ay ayaw nila patulungin bantayan ko na lang daw si Deux baka kung saan pa raw mapunta.

Hindi kami mag-kasundo ni Deux dahil hindi talaga match ang ugali namin. Sobrang likot niya kahit anong gawin ay na-aaksidente syempre bilang ate ako ang papagalitan nila Mama kesyo raw dapat binabantayan ko ang kapatid ko, sa kulit ba naman ni Deux mababantayan ko ba 'yan ng 24/7?

"Denisse!? Pumasok na kayo!" Rinig kong sigaw ni Mama.

Sumilip ako sa owner jeep para tawagin na rin si Deux, ang makulit ay nag c-cellphone na naman puro anime lang naman pinapanuod walang kwenta.

"Pasok na raw sabi ni Mama" Tawag pansin ko sakanya. Lumingon naman ito at umiling.

"Ayaw! Mamaya na nuod pa ko" Pa-baby'ng sabi niya na medyo hirap pa sa words.

Gan'yan siya mag-salita dahil bini-baby nila Mama, pati sa salita bini-baby nila kaya lumalaking ewan.

"Sa loob mo na 'yan ituloy, naka-ayos naman na ata ang bahay" Kalmadong pag-kokombensi ko sakanya.

Nagliwanag naman ang mukha niya ng marining ang sinabi ko, sa'ming apat kasi siya ang pinaka excited na lumipat sa bahay na 'to samantalang ako ay ayaw ko dahil malalayo ako sa friends ko at boyfriend ko.
Bakit kasi dito pa sa cavite nakahanap ng trabaho si Papa, eh!

Nauna siyang pumasok sa'kin, muntik pa nga bumagsak ang cellphone ni Mama dahil sa ang ligalig niyang gumalaw!

Bumuntong hininga ako para pakalmahin ang sarili ko. Sumilip ulit ako sa owner type jeep para kunin ang bag ko hindi pa man na-aabot ang shoulder bag nang maagaw ng matandang babae ang attention ko nakatanaw siya sa bahay namin o sa'kin?

Naka-bistidang itim siya at naka belong itim wala siyang suot na sapin sa paa. Hindi naman siyang mukhang madungis pero mukha siyang palaboy sa lugar na'to.

Inalis ko na ang paningin ko sa maganta at tuluyan ng inabot ang aking bag. Isinabit ko ang bag sa kaliwang balikat ko tsaka inayos ang na gusto na damit ko.

"Mag-iingat ka"

Halos takasan ako ng hininga dahil sa biglaang pag sulpot ng matanda sa likuran ko. Nilingon ko siya na dapat ay di ko na ginawa dahil nakakatakot siya nang-lalaki ang bilugan niyang mata at maitim ang ilalim na akala mo ay wala pang tulog ng ilang araw. Umatras ako ng bahagya para maayos siyang makita.

"Na-nakakagulat naman po kayo Lola" Hinihingal na sabi ko.

"Umalis na kayo! Wag kayo r'yan! Naka-sunod ang babaeng itim sainyo!" Bulong niya. Pasigaw ang bulong niya, gusto niyang isigaw pero para siyang natatakot na may makarinig.

Masyado siyang malapit sa'kin kaya naamoy ko siya hindi kaaya-aya. Mapanghi siya at base sa amoy masyadong matapang, masakit sa ilong kaya sa lagay ko ay nababad na siya sariling ihi.

"A-ah Lola ano po ba ang~"

"Haynako Aling Benang nang-gugulo ka na naman! Osya alis na umuwi ka na sainyo!"

Napalingon ako dahil sa sigaw na 'yon. Isang matabag babae na naka bistidang pang-matanda ang lumapit sa gawi namin may hawak pa siyang walis tingting.
Lumingon ako sa gawi ni Lola Benang pero wala na siya natanaw ko na siya sa malayong parte ng lugar na 'to mabilis siyang naglalakad at palinga-linga sa paligid.

"Ako nga pala si Belenda" Pag papakilala ng babae.

Ngumiti ako sakanya.

"Denisse po. Kami po yung bagong lipat" Sabi ko tsaka tumingin sa bagong bahay na tutuluyan namin.

"Ahh kayo pala. Kegandang bata mo ija" Puri niya sa'kin. Kaya nahiya ako ng bahagya.

"Ahhh iyon pong si Lola Benang ma~"

"Ahhh ayon bang baliw na yon?" Putol niya sa sanang sasabihin ko.
"Wag mong intindihin yon, may sira ang ulo non nako mahilig manakot ang Benang na yon. Hindi lang makuha ng barangay dahil may apo pa siyang nag aalaga sakanya" Tuloy tuloy na kwento nito.

May nag-aalaga pa sa matanda? E bakit ganon ang itsura at amoy non?

"Elliah Denisse kanina pa kita hinihintay sa loob" Bungad ni Mama sa'kin nang-makalabas siya.

Napatingin sakanya si Aling Belenda at ngumiti ganon din naman ang ginawa ni Mama. Nagka-kwentuhan pa sila saglit pati iyong encounter namin ni Lola Benang ay na-kwento ni Ate Belenda. Ok Marites spotted! Nang-matapos sa kwentuhan ay  tsaka na nag-aya si Mama na pumasok na sa loob ng bahay.

DOUBLE - DECK Where stories live. Discover now