CHAPTER THREE

0 0 0
                                    

Isang buwan na kami rito sa cavite. Sa loob ng isang buwan na 'yon ay maayos naman ang naging buhay namin. Pero syempre makulit pa rin si Deux araw araw na lang pinapasakit ang ulo ko.

Nakapag enroll na rin ako sa DHS o Dasmariñas High School isang public school dito sa cavite. May mga naging kaibigan na rin ako kahit papaano hindi lang talaga ako pala-labas ng bahay kaya konte lang ang nakikilala ko.

"Ateeeeeee!" Sigaw ni Deux mula sa labas ng kwarto namin.

Bumukas ang pinto at pumasok don si Deux na hingal na hingal galing school.
Hinubad niya ang bag niya tsaka sinabit sa likod ng pinto kung nasaan ang bag ko.

Hinubad niya ang uniform niya at kung saan na lang binato. Ahas talaga ang isang to.

"Elijah Deux? Please lang ilagay mo sa tamang lagyan yang mga labahan mo" Pigil na inis na sabi ko sa kapatid ko.

"Ayaw ko nga bleh!" Patakbo siyang lumabas ng kwarto. Napapikit na lang ako sa inis.

Kung hindi lang ako papagalitan kinutusan ko na yon.

Bwiset na bwiset ako habang pinupulot isa isa ang pinag-hubaran niya tsaka nilagay sa basket kung nasaan ang maruming damit namin.

Bumalik ako sa pag kakasalampak ko sa sahig tsaka gumawa ulit ng homework.
Pagtapos na ko ng tumunog ang cellphone. Nagtext si Tanya. Kaibigan ko sa Tagaytay.

From: Tanya
N@kit@ q cl@ J@mes @t Celine m@gk@ holding h@nd 🤬

Nung una ay hindi ko pa maiintindihan ang nasa text dahil hindi naman siya gan'yan mag text sakin noon!
Pa-ulit ulit ko 'yon binasa hanggang sa magets ko na.

To: Tanya
Hayaan mo sila mag sama, wala na akong pake kay James break na kami 2 weeks na

From: Tanya
Hala ka! Seryoso? Ba't di ko alam? 🤔

Yan! Basta chismis hindi na yan mag e effort na gawing ewan ang text niya.

To: Tanya
Hindi ka naman nag tanong.

Nagsabi sa'kin si James na may nangyari raw sakanila ni Celine at pinipikot daw siya ni Celine para makipag break sa'kin kaya no choice ako kundi tanggapin na lang dahil una sa lahat mahirap ang may ka ldr kung wala kayong LRT. Love, Respect and Trust.

From: Tanya
Ang hirap talaga pag sa chat lang umamin mabilis makahanap 👍

To: Tanya
May tama ka. Sana pala nung nag chat siya pinak-you'han ko na lang.

Matagal pa kami na nagka-usap ni Tanya bago siya nag paalam na kakain na raw sila sakto naman na kakain na rin kami.
Lumabas ako sa kwarto pagtapos ko iligpit ang gamit ko. Nadatnan ko sila Mama na nasa hapag na kaya agad na kong tumabi kay Deux na sarap na sarap sa kinakain niyang manok.

LINGGO ngayon walang pasok kahit sila Papa ay nasa bahay dahil rest day rin nila.

Nasa kwarto ako para tapusin ang project namin para sa 1st sem medyo mahirap ito kaya binigyan kami na hanggang monday na deadline ni Mrs.Romero.
Dapat kahapon pa ito natapos ang kaso si Luella na kaibigan ko rito sa cavite na klasmeyt ko rin ay nag-aya sa bayan para gumala at i-meet ang boyfriend niya.

Natapos na ko sa project ko at inililigpit ang mga gamit na ginamit ko. Hapon na sobrang pagod ako dahil naglaba kami ni Mama kanina medyo marami dahil hindi kami nakapag laba last week.

Pinagpag ko ang higaan namin tsaka nahiga don iilang minuto pa lang ay naka tulog na ko.

Naalimpungatan ako dahil may naririnig akong boses na kumakanta hindi ko maiintindihan ang kinakanta ng babae dahil ibang linggwahe iyon.

DOUBLE - DECK Where stories live. Discover now