Holiday ngayon kaya walang pasok halos isang linggo na rin nag nakalipas nung tumambay kami sa likod ng garden ng school. Hindi na ko nakatanggi non dahil hinila ako ni Luella habang naka-sunod naman yung dalawang lalake samin.
Tumigil ako sa pag tutupi nang pumasok si Deux sa kwarto may dala itong eroplanong laruan na binili ni Mama sa bayan. Pinipalipad niya iyon sa ere habang siya ay patalon talon. Hindi ko siya pinapansin dahil hindi naman niya ko nagugulo sa ginagawa ko.
Umakyat siya sa papag andon nag tatatalon hindi ko na dapat siya papansinin pero naririnig ko na naman ang pag ingit ng papag na parang mapuputol iyon ano mang oras.
"Deux bumaba ka, baka masira yung papag" Kalmadong saway ko sakanya.
Hindi siya nakinig sa'kin at tinuloy niya lang ang ginagawa niyang pagtalon sa papag
"Ano ba Deux? Isusumbong kita kay Mama" Sabi ko ulit sakanya.
Tumigil siya sa pagtalon at humarap sa'king Naka-nguso.
"E di mag sumbong ka, samahan pa kita e" Pamimilosopo niya sa'kin. Sinamaan ko siya ng tingin.
Tinuloy niya ang pag lalaro niya sa kama at natutumba na ang mga nakatiklop na damit sa papag.
Sa sobrang inis ko ay patabog akong tumayo at lumabas ng kwarto. Hinanap ko si Mama at sa kusina ko siya natagpuan.
"Mama si Deux tumatalon talon sa papag" Sumbong ko.
Nag-hihiwa siya ng mga gulay sa lamesa namin ayon ata ang lulutuin niya para sa tanghalian.
"Jusko ko naman Denisse sawayin mo" Utos niya sa'kin ng hindi ako tinatapunan ng tingin.
"Ginawa ko na, Ma! Pero ano? Pinolosopo lang ako. Bini-baby niyo kase e!" Kumamot ako sa batok dahil sa inis.
"Panganay ka pero nag papatalo ka sa kapatid mo" Saglit niya kong tinapunan ng tingin bago bumalik sa pag hihiwa.
"Kinagagalitan niyo ko pag sinaw~"
Natagil ako sa pag sasalita dahil nakarinig kami ni Mama ng kalabog sa kwarto na sinamahan pa ng malakas na sigaw ni Deux.
Sa pag kagulat ay sabay kaming napatakbo ni Mama sa kwarto namin ni Deux.
Nahulog pa nga ang kutsilyo na hawak niya.Nang makarating sa tapat ng kwarto agad na pumasok kami ni Mama. Don namin nakita si Deux na umiiyak na. Nahulog siya sa papag at ang isang paa ng papag ay putol na.
Nagkalat ang mga damit na kanina lang ay tinitiklop ko pero hindi ko iyon pinansin agad akong lumapit sa kapatid ko tsaka sinuri siya.Halatang may iniinda ito sa paa niya mukhang don napuruhan.
"Ano ka ba namang bata ka!" Naiiyak na anas ni Mama.
"Mama masakit huhuhu" Umiiyak na sabi ni Deux tsaka itinuro ang kanang paa niya na may gasgas.
"Ang kulit kulit mo naman kasing bata ka!" Sigaw ni Mama sakanya tsaka nilalayan paupo ang kapatid ko sa bangkong nasa gilid ng bintana.
Lumabas ako ng kwarto para kumuha ng towel at plangganitang may tubig. Kumuha na rin ako bulak, alcohol at betadine.
Agad akong pumasok sa kwarto, naabutan ko pang pinupunasan ni Mama si Deux ng pawis."Denisse! Bakit kasi hindi mo binantayan tong kapatid mo" Out of nowhere na anas ni Mama.
Ako pa talaga?
Kunot noong nilapag ko sa lamesita ang mga kinuha kong pang linis ng sugat ni Deux.
"Bakit parang kasalanan ko? Ma, sinuway ko yan maraming beses ho! Pero ano? Namilosopo pa" Paliwanag ko.
Tinignan niya ko ng masama tsaka huminga ng malalim.
"Bakit ka nag papatalo sa bata? Mas matanda ka r'yan jusko naman Elliah Denisse!" Stress na pahayag ni Mama.