CHAPTER TWO

1 0 0
                                    

"Mama naman! Ayoko! Gusto ng sariling kwarto" Pag-mamaktol ko kay Mama.

Gusto ni Mama na kasama ko si Deux sa kwarto pero ayoko! Sobrang likot niya matulog minsan nga ang paa niya ay nasa mukha ko na o kaya naman yung dalawang paa niya nasa t'yan ko! Ayoko na siya makasama sa iisang kwarto!

"Mag-tigil ka nga, Denisse! Dalawa lang ang kwarto rito hindi naman pwedeng sa sala yang kapatid mo!" Bulyaw ni Mama habang naghuhugas ng pinag-kainan namin kanina.

"E di sa kwarto niyo?" Naka-ngusong sabi ko.

"Ako'y nga tigil-tigilan mo sa kaartehan mo" Inis na na sabi ni Mama.

Umalis ako sa likuran ni Mama at naupo sa upuang kahoy namin sa sala.

"Mama kung alam mo lang kung gaano kalikot si Deux!" Sigaw ko para marinig ako ni Mama hanggang kusina.

"Gan'yan talaga ang bata! Pag bigyan mo na ikaw tong panganay!" Sigaw niya pabalik sa'kin.

Hindi na 'ko nagsalita dahil anong laban ko sa 'ikaw ang panganay' era ni Mama? Kesyo ako ang panganay kaya ako ang mag bigay letse! Bini-baby kasi kaya ganon kakulit! Inis!

"Ano ba yang sigawan niyong dalawa? Abot hanggang labas. Kebago bago natin dito sigawan nang sigawan" Pawisang bungad ni Papa nang maka-pasok sa bahay kasama si Deux.

Namalengke sila, si Papa lang dapat kaso nag pumilit itong si Deux na gusto raw niya sumama para tumulong. Baka mag-kulit.

Lumabas si Mama mula sa kusina na may dalang malinis na basahan pinupunas niya r'on ang basang kamay.

"Nako Renato pag sabihan mo yang anak mo nag dalaga lang ayaw na kasama si Deux sa kwarto" Pag susumbong ni Mama kay Papa.

"Hindi mo na ko love ate?" Singit ni Deux sa usapan. Inirapan ko siya.

"Bata pa ang kapatid mo Denisse, habang bata pa yan sulitin mo na dahil pag nag binata yan ikaw ang mahihirapan maki-usap d'yan" Mahabang komento ni Papa.

"Sinabi ko na yan sakanya hindi naman nakikinig nag pupumilit pa" Sabi ni Mama habang inaayos ang pinamale nila Papa. Ngumuso ako.

"Sobrang kulit naman kasi ng isang yan, Pa. Gaya dati pag nag aaral ako nagugulo niya ko dahil sa kwarto pa talaga siya nag lalaro" Medyo may inis sa boses na sabi ko

"Osiya, bibilhan ko siya ng pwedeng pag-kaabalahan niya para kahit paano ay may magawa ang batang iyan. Elijah Deux?" Pag kokombinsi sa'kin ni Papa bago tinawag si Deux.

"Ba't po pa?" Lumingon ito sa gawi ni Papa.

"Ika'y bawas-bawasan iyang pagiging makulit huh? Nasa ibang lugar tayo wala tayong kakilala rito" Pangangaral niya kay Deux. Tumango naman ang kapatid ko na ikinairap ko.

As if namang makikinig yan, bini-baby niyo e.

Tumayo ako at nakasimangot na pumasok sa loob ng magiging kwarto 'raw' namin ni Deux.

Nakatambak sa isang gilid ang mga kahon at iilang maleta na may lamang damit naming mag-kapatid. May dalawang cabinet na sa loob ng kwarto nilapitan ko ang mga kapatid at lahat yon ay bagong punas na.

Umupo ako sa hindi kalakihang papag na may unan at manipis na kutson na. Naayos na agad ni Mama to? Bilis.

Kinuha ko ang isang maleta kung nasaan ang mga damit ko at inayos iyon sa puting cabinet, ganon din ang ginawa ko sa damit ni Deux isa isa kong sinalansan sa brown na cabinet na may malaking salamin na naka-kabit sa pinto non.

Saktong pagtapos ko ay tsaka naman pumasok si Deux na may malaking ngiti sa labi.

"Wowww ito magiging kwarto natin, ate?" Tanong niya habang inililibot ang mata sa buong kwarto. Hindi ba halata?

"Malamang, ayan ang toys mo oh" Sabi ko at itinuro ang mga laruan niyang nasa ibabaw ng cabinet.

Lumapit si Deux sa cabinet tsaka nagtatatalon para makita ng ayos ang mga laruan niya agad naman akong naalarma baka biglang ma-out of balance at mauntog sa dulo ng papag kasalanan ko pa kung magkataon!

"Ano ba! Wag kang tumalon!" Suway ko sa kababatang kapatid ko.

"Hinahanap ko si Doraemon, ate" Naka-ngusong ani niya.

Bumuntong hininga ako bago nilingon ang papag.

"Ayon oh, nasa papag" Sabi ko sabay turo sa dulo ng papag kung saan siya p-pwesto pag matutulog na.

Nagliwanag ang mukha ni Deux at ibinagsak ang katawa sa papag narinig ko pang tumunog ang papag na akala mo ay may napuputol.

"Peste! Deux! Baka masira yung papag!" Sigaw ko sakanya. Bumungisngis ito tsaka kinuha si Doraemon.

Tangina talaga.

"Nobittttaaaa shooo"

"Yataaaaaaa!"

"Doweymon!"

Hindi ko na siya pinansin nang magsimula siyang maglaro. Lumapit ako sa cabinet ko kumuha ng tuwalya at damit. Lagkit na lagkit ako sa katawan ko! kailangan ko ma refresh!

Bago ako lumabas ay binilinan ko muna si Deux na wag magkukulit at maligo na rin pagtapos ko. Umoo naman siya kaya tuluyan na kong nagtungo sa Cr.

DOUBLE - DECK Where stories live. Discover now