CHAPTER 1

136 2 0
                                    

Kadalasan sa isang pamilya ang tatay ang nag ttrabaho ay ang Tatay at nagtatanggol sa kanyang pamilya at ang Nanay ang siyang nag aasikaso sa kanyang mga anak. Pero what if, kung ang nanay yung maging tatay at ang tatay ang maging nanay? Hahaha. Ang gulo no? Basta, basahin niyo na lang itong story ko and I hope you will like it J

- - - - -

Sabi nila bakla daw ang daddy ko kasi, siya daw yung nagluluto ng pagkain namin, naglilinis ng bahay, nag aalaga sa aming magkakapatid pero, di ko na lang pinapansin kasi sabi nga ni mommy, "kung sino yung nagpapakumbaba siya yung inaangat ng diyos" naging motto ko na din yun syempre Unique ang Daddy ko and he is the best among the rest.

"James, Gising na. Tanghali na ohh"

"Daddy, wala naman po kaming pasok ehh, pedeng mamaya nalang?"

"Diba, may play kayo ngayon? Kailangangan mo ng tumayo andyan na mga katropa mo, sinusundo kana"

"ha? Ang tropa? Haha. Astig mo talaga dad. O sige na po, tatayo na"

8:00 am

Habang nakatambay sa park

"Napaka cool talaga ng daddy mo no? Xbox daw kami minsan, at ito pa, sarap nyang mag bake ng egg pie, pupunta nga ako sa inyo araw araw." Proud na kinukwento ni Alex sa tropa.

"Naku, Loko ka talaga, nga pala 'bat ang daddy mo hindi nagttrabaho?" tanung naman ni Chris.

"Mas gusto niyang inaalagaan niya kami at the same time, he wants na maging independent kami para daw kay mommy" - sabay kain ko ng paborito kong Piatos

"Eh tol kahit na. mas magandang tignan kung ang mommy mo nasa bahay at ang daddy mo ang nagttrabaho" - Alex

"Mas madaling masasabi sa amin ni daddy kung anu ang tama at mali at magkakaroon din kami ng bonding, katulad sa sports, studies pati na din sa girls" sabay tawa.

"Sabagay, kami nga ni papa, di nag-uusap, oo nabibili ko lahat ng gusto ko, pero kailanga may kapalit" -Chris

"ayy naku mga tol, baka umiyak kpa jan, Tara na nga sa meeting place natin, baka andun yung iba pa nating tropa" - Sabay kaltok ni Alex kay Chris.

My House Daddy :">Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon