Pagkagising ko nung umaga, ang sakit sakit ng ulo ko, at di ko alam bakit nasa baba yung mga damit ko. Parang alam ko na! ah. oo. Nga pala nasan si Erica? Dali dali akong nagbihis at hinanap siya sa buong bahay ng makita ko siya sa kusina.
"Goodmorning Joey, tara kain na tayo, masarap itong niluto ko oh" Sabay smile niya sa akin.
"Nagluto ka? dapat ginising mo ako, di ka na sana nag abala pa"
"ok lang yun, maliit na bagay lang ito. Tara na kain na tayo ng breakfast, diba may pupuntahan pa tayo? Pagkatapos mo niyan,
Ha? Di niya alam yung kagabi? Whaaaa. Buti na lang.
"Ah. sige, maliligo na ako. San ba tayo pupunta?"
"Basta. Bilisan mo na"
Pagkatapos ko magbihis
"Erica?, tara na ba?"
"Osige na ikaw magdrive o ako?"
"Sige na ako na lang, babae ka ihh, aii bago tayo pumunta pede ba tayong magsimba?"
"Sure, tara na?"
Bakit ang bait niya sa akin? Mukang mag-eenjoy ako ngayong araw ah? Hahaha. Excited na ako sobra :))
"Ahmm. Joey? nagkaroon knb ng gf?"
"Dipa" bakit kaya naitanong niya? hmm.
"Bakit di pa? gwapo ka naman"
"Oo alam kong gwapo ako, pero di ko kailangan ng gf, mas gusto kong patunayan sa parents ko at mga kapatid ko na kaya ko silang higitan, si dad kasi lagi niya akong kinocompare kanila ate. kaya nag-aral na lang ako ng mabuti"
"Bunso kaba?"
"hindi, panganay sa lalake"
"ilan ba kayong magkakapatid?"
"4. 2 babae. 2 lalake"
"E, sino kasundo mo sa lahat?
"Lahat, yung pangalawang ate ko lang. masungit kasi siya and at the sane time siya yung favorite ni papa sa lahat"
"ayyy, Ganun, sorry kung medyo matanong ako, malayo pb tayo?"
"malapit na, andito na nga tayo ii, hahanap ng ako ng mapagpaparkingan"
Dito na nga kami sa Our Lady of Atenoment Church. Di ko akalain na siya yung unang babae na makaksama ko dito, pwera sila mama at mga ate ko but anyway, I am blessed kasi siya yung una at sana dito na din kami ikasal. joke. Hahaha
..
Hayyy. tapos na din magsimba, ito kung saan-saan na kami nakakapunta, at sa wakas, nakita ko na siyang nakangiti, andami dami niyang kinukwento, ewan ba, bakit sa twng ngumingiti siya, napapasmille na din ako, is this love? hahaha
"Joey? pede bang iextend pa natin kahit 2days lang. Ayoko muna sa maynila, puro stress"
"Depende sa parents mo. Tanungin muna natin sila. pede?"
"sige, papakiusapan ko si mommy, ok na ba?"
"Haha, sure, tara kain na tayo, treat mo ako?" with a big smile, hahaha.
"Natatawa ka? Bakit?"
"wala, kasi parang nung isang araw lang, nag-aaway tayo tapos ngayon, magkasundong magkasundo na"
"Ah. ok kain na tayo, gutom na gutom na din ako"
Ayun, kumain na din kami, pagkatapos, nag shopping, nag biking, nag kulitan, ng skating, nag gala, tumambay at marami pang iba, basta alam ko Masaya ako, sobra! 10 o’clock na din kami nun naka uwi, pero sulit :))
“Thank you Joey, I am so happy today! Sana may part 2 pa” –Erica
Ayun na ata yung pinaka maganda niyang sinabi sa akin at alam kong tatak ito sa isip at puso ko :”>