Sawakas! Natapos na din ang First Semester. Hayahay na naman! at andami na din nangyari. Naging Friends na kami ni Alyssa and at the same time, magkakakilala na ang family naming dalawa. Ayuuus! Pinaka masayang taon ko na ito. at coming soon na yung panliligaw ko kay Alyssa at ayun ay sa Birthday ko. Sa November 15 sa araw na iyon ako magtatapat.
At habang lumilipas ang mga panahon ..
Masasayng mga araw na kasama siya ..
Doon ko siyang lalo nakilala ..
Hanggang sa dumating na ang kaarawan ko ..
At ang araw ng pagtatapat ko kay Allyssa ..
"Oh Pre. Nakahanda ka na ba para mamaya?" - Alex
"Oo naman Pre. Matagal ko na itong pinagplanuhan. Susuko pa ba ako?"
"Ayas ang gusto ko sayo ii. May dignidad" - Alex
"Sira. Basta yung pinag praktisan natin ng ilang linggo ha?"
"Oo Tol. Kami pa. Osya2 alis na kami, magreready na din kami. goodluck Tol"
Alyssa's PoV
4:30 na. Wala pa akong susuotin para sa Birthday Party ni James. Para ding nagdadalawang isip ako. Ang tagal na niyang di nagpaparamdam ii. Nakakainis siya sobra!
"Anak? Ok ka lang?" - Mommy
"Hindi ma! Wala akong maisusuot oh! Nasa Laundry pa lahat! Bwisit na katulong yan!"
"At isisi daw ba sa katulong?"
"Ii kasi malalate na ako oh, mag aayos pa ako. Paano na yan mom Di na ako aatend siguro?"
"Nag inarte oh. Sige ako na bahala sayo"
Ayun, Hinanapan ako ng Dress ni mom, inayusan, at Boom! Ako ba ito? Gandang Lahi ah! Hahaha. Pero parang ayaw ko talagang umatend, Pagkatapos niyang di magpakita ng ilang linggo. Bwisit ka James Sebastian!!!
At andito na nga ako sa party niya! Hinila lang ako ng nanay ko! Haizst! Mas masarap matulog kesa makakita ako ng isang James Sebastian!
Nakakainis. Gusto ko ng umuwi. Ang Boring pa dito! Di pa din siya nagpapakita! Bwisit!
"O ate? sinung kausap mo?"
"Wala!"
"namimiss mo si kuya James noh?"
"Daaa. Hindi nuh!!!" Pero sa totoo lang. Sobraaaa -.-
"Alam mo, kesa sa nagiinarte ka jan! pumasok ka na kasi magsisimula na yung party"