Yun! na ulit nga kaso hindi na sa Baguio, madalas na kasi kaming magkasama, naging best friend ko na din siya, at ganun din siya sa akin, nakilala na sya ng family ko at kilala ko na din ang family niya. Hanggang sa madiskubre naming buntis na siya at ayun ay si James.
Noong una natakot kaming sabihin, pero naglakas loob kami at di namin expected ang magiging reaction ng parents niya at syempre ng parents ko. at ayun, tuwang tuwa silang lahat. Diba? nakagulat. Imbis na magalit aii aba'y masaya pa sila.
Nagpakasal na nga kami and at the same time binyag na din ni James. Ayun ang pinaka malupit na nang yari sa amin, sobrang engrande, sa baguio kami kinasal, madaming bisita, yung pangarap ni Erica na kasal tinupad na namin kahit na alam kong di ako mahal ni Erica.
Noong una, nag kakailangan kasi iba na ito ii, magkasama na kami sa isang bubong at nagsumpaan na habang buhay kaming magkasama. Nagdaan ang mga araw, buwan at taon hanggang sa nakilala na namin ang isa't isa. At dun, nagdesisyon siya na ako ang maging Househusband. At dahil sa misis ko siya, dapat siya yung nasusunod. Gusto niya daw kasi makabawi, kasi wala pa daw siyang napatunayan sa sarili niya kaya gusto niyang magsumikap para sa mga anak niya. Meron din naman akong trabaho, may business kami at ako ng tayo nun at simula nun, naging ayos na kami ni papa at nung ate kong masungit.
Kaya ito, masaya at buo kaming pamilya. Kaya wala kaming pinagsisihan ni Erica.
END OF FLASHBACK