Chapter 2

13 1 0
                                    

×Flashback×

"Nakita mo yung pictures nila? Grabe ang sweet!"

"Oo yung sa Baguio ba yun? Tapos naka-couple shirt pa?"

Nag-uusap ang mga lower years tungkol sa picture namin ni Drew.

"Hi po Ate Tricia."

"Hi" Ngumiti ako sakanila. Ano ba ito? Instant celeb?

Dumiretso na ako sa classroom nag-post kasi si Grace na kaylangan daw naming pumasok ng maaga. Hindi ko alam kung para saan?

Habang nag-lalakad ako sa hallway naririnig ko ang bulungan ng ibang estudyante.

"Isn't that odd. Magkasama kayo sa Baguio ng boyfriend mo without your parents? And bata pa tayo gosh!"

Edi odd na kung odd. Pake ba? Hindi ko na lang pinansin at tumuloy na sa classroom.

"Trish! Buti at maaga ka"

"Yoon kasi ang nasa post mo eh"

"Nice good follower, para good leader din ganern"

"Ewan ko sayo Gracia!"

Hindi ko alam kung bakit kailangan daw talaga ako sa meeting na ito. Ang alam ko lalaban na ang basketball team ng school next week. Baka tungkol dito?

"Ganito, Ikaw Trish diba you love reading watty? Ahm. Gusto ko kumuha ka doon ng pwede natin gawing pang cheer."

Bakit ako ba?

"Ba't ako? Pwede naman si Shaira, si Jessica, si Clarisse, si Ella, si Berl, lalo na yang si Eryl oh!"

"Nag-iinarte? Porket pumunta lang ng Baguio kasama si Andrew ganern?" Halata ko sa boses ni Airish na naiirita siya.

"Hindi naman, grabe ba't naman nasama yun. Nakakapag-taka lang kasi bakit ako?"

"Yun naman pala eh. Basta ikaw na bahala doon. Si Eryl ka-partner mo. Mukha kayong wattpad eh."

"Chill sa akin" Pang-aasar ni Melle.

"Neng!"

"Tsk. Okay na yan. Wala ka ng magagawa. Si Airish na ang nag-salita."

Bakit nga ba kasi ako nag-iinarte? Kasi ano! Ipinagdadamot ko ang mga alam ko sa mga ganyan eh. Basta ewan! Wala rin naman akong magagawa eh kailangan sundin si Ms. President.

Naging abala kami lahat para sa darating na basketball fights. May dinagdag daw kasi na requirements ang division kaya kailangan namin pag-handaan ang cheerings. Doon daw kasi ib-base if qualified ang school na lumaban.

"I think mas maganda kung ahm. May song tayo."

"Own composition?"

"Kahit hindi, pero dapat connected sa you know fights?!"

Kaya naman yung iba ay inilista ang mga alam nilang kanta. Ang iba naman ay gumagawa ng banners.

Nakinig muna ako ng music sa tablet. Gamit ko ang headphones para naman hindi sila ma-istorbo.

~'When I look in to your eyes
It's like watching the night sky
Or beautiful sunrise
There so much them holds
And just like the old stars
I see that you've come so far
To be right where you are
How old is your soul?~'

Fall outTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon