Third Person POV
Nagising si Vinci mula sa kanyang pagkakatulog dahil naramdaman niyang may tumapik sa kanyang balikat. Ngunit ng tignan niya ito sa kanyang likuran ay wala namang tao.
Pagkatapos kasi niyang mananghalian kanina ay napagdesisyunan niyang pumunta sa library para magbasa habang naghihintay ng oras ng klase at hindi niya namalayang nakatulog pala siya.
Dahil nga naggising siya ay nagpasya nalang siyang umalis na at pumunta sa kanilang room. Habang naglalagay ng mga gamit sa bag ay hindi niya makita ang kanyang notebook. Hinanap niya na ito sa kanyang bag at nilabas lahat ng gamit niya pero hindi niya pa rin makita. Tinignan niya ang ilalim ng mesa at upuan pero wala siyang nakita.
Nag uumpisa na siyang kabahan dahil sa notebook na iyon nakasulat ang lahat ng kanyang sikreto at mga gustong sabihin sa isang tao, as in lahat na halos buong school year ay na-isulat niya sa notebook na iyon.
Tinignan niya rin ang mga lagayan ng libro kung saan binalik niya ang mga librong nabasa niya pero wala pa rin siyang nakita. Kinakabahan na siya at para na siyang iiyak na hindi alam kung ano ang gagawin. pabalik balik siya sa mga lugar na natatandaan niyang binalik ang mga libro pero wala pa rin siyang makita.
Basta ang huli niyang natandaan ay nagsusulat siya ng nangyari kanina pagpasok niya hanggang sa pagkatapos niyang mananghalian at pagkatapos nun ay wala na siyang naalala dahil nakatulog nga siya.
Naiyak na nga siya dahil alam niya sa sarili niyang nahihiya siya sa sinulat niya doon at isa pa kinakabahan siya sa katotohanang pwedeng ipagkalat ng nakakita ang mga kwentong naisulat niya sa notebook na iyon.
Pumunta siya sa librarian at nagtanong kung may nakita ba siyang ibang tao na lumapit sa pwesto niya kanina pero wala ring nasagot ang librarian dahil marami din siyang ginagawa.
Wala ng nagawa si Vinci kundi ang umalis pero ang kaba ay hindi na mawala sa kanya at pinag-pray niya lang na sana mabait ang nakapulot at ibalik sa kanya ang notebook niya.
"aray" nagulat si Vinci ng may nakabangga siya dahil napapikit siya at di namalayang may makakasalubong pala.
"ano ka ba, hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo" galit na tanong ng lalake dahil muntik na siyang matumba at di niya pa nakita ang nakabangga sa kanya.
"pasensya na po di ko po sinasadya" sagot ni Vinci.
"oh, Vinci, bro ikaw pala, sorry nasigawan yata kita nagulat lang ako" sagot ni Onie.
Napaangat ng tingin si Vinci dahil sa tangkad ni Onie.
"sorry din bro, di ko talaga sinasadya" sagot niya.
"sige bro okey lang, saan ka pala pupunta? tanong ni Onie sa kanya.
"sa classroom mag uumpisa na yata ang klase"sagot ni Vinci.
"Ah sige, ingat" si Onie.
Nagpaalam na nga ang dalawa sa isa't isa at nagdiretso na si Vinci sa kanilang classroom. Pagdating niya doon ay maiingay na naman ang kanyang mga kaklase lalo na ang grupo ni Onie na pasimuno ng kalokohan pero agad namang sinusuway ng Alpha Boys.
Hindi pa rin mawala ang malalakas na tawanan nila at sumali pa nga ang Alpha Boys dahil di na nakapagpigil matapos sila naman ang ginawang target ng mga pasaway na grupo ni Onie.
"Classmates, tumahimik na kayo andiyan na si Ma'am". sigaw ni Onie sa labas ng room habang tumatakbo papasok. Ito talaga ang pinakamaingay sa lahat at nag-impluwensya sa iba pa nilang kaklase.
Agad namang umayos nang upo ang lahat at bigla silang natahimik. Di nagtagal ay dumating na nga ang kanilang guro.
"Good Afternoon Class".
"Good Afternoon, Ma'am Dela Cruz".
"Okey, settle down everyone, so hows your day?"
"pagod ma'am" sagot ni Onie.
"Manahimik ka diyan Onie, sawa na ako sa rason mo yan nalang palagi."
"hahahahahahaha" tawanan lahat ng kaklase niya.
"paanong di ka mapapagod eh tumatakbo ka papunta dito sino ba humahabol sayo?" tanong ni Maam Dela Cruz.
nagtawanan ulit ng mga kaklase at nakisabay rin si Onie at napakamot sa ulo.
"oh siya, btw. bukas pala ng umaga ay may announcement kaya dapat maaga pa kayo at dumiretso na kayo sa gym, okey?"
"bakit maam ano po mewon?" tanong ni Jom.
"di ko alam basta yan ang sabi kanina ng Dean, basta importante daw yun".
"Ano kaya yun, kinakabahan ako ah" sabat naman ni Miguel.
"Ha, bakit ka kinakabahan, ano meron?" tanong ni Reyster.
"di mo ba narinig sinabi ni Maam?" tanong ni Kim pabalik kay Reyster.
"ha, ahhhh.... hindi eh" sagot ni Reyster.
"hay naku kang bata ka, lutang ka na naman, ewan ko sayo tanong mo diyan kay Vinci."
Napatingin naman si Vinci kay Kim dahil narinig niya ang pangalan niya.
"chi ano ba sabi ni maam?" tanong ni Reyster.
"yan kasi kaka-selpon mo yan" natatawang sagot ni Vinci.
"ano nga kasi yon" napipikon na sagot ni Reyster.
"aba ikaw pa galit ah, ayos ka rin eh no, sabi ni maam may announcement daw bukas ng umaga sa gym kaya dapat maaga pa tayo dito sa school tsaka importante daw yun" si Vinci.
"tungkol saan daw?" tanong ulit ni Reyster.
"hindi rin alam ni maam basta daw importante" sagot ni Vinci.
"anong oras ba? tanong ulit ni Reyster.
"hayst, bingi ka ba?, umaga nga, umaga" napipikon ring sagot ni Vinci.
"oh kalma, nagagalit ka naman eh" natatawang sagot ni Reyster.
"eh kung tadyakan kita diyan" si Vinci.
"ayy hala siya mananakit, maam oh si Vinci dito mananakit daw" sumbong ni Reyster sa guro.
Doon lang nila namalayang dalawa na kanina pa pala sila pinagtitinginan ng kanilang kaklase at guro. Nahiya tuloy silang dalawa.
"Naku, delikado na kayong dalawa". Natatawang sabi ni Ishiro.
Nagtawanan ang lahat.
"Oh, anong pinag-aawayan niyo diyan kanina pa kayo akala niyo yata kayo lang tao dito, ano?" si maam dela cruz.
"yyiieehhhhhh" hiyawan ang lahat.
Hindi na nga nakasagot ang dalawa!!!
"hindi nga mapaghiwalay yan maam eh laging magkasama kahit saan magpunta, pag tinignan mo cellphone ni Vinci lahat ng laman yan picture nila ni Reyster" sabat ni Onie.
"speaking of cellphone, tignan niyo naman ang hawak ni Reyster hindi bat kay Vinci yan, ayyieehhhh, Go #Vinster layag hahahahaha" kinikilig kunwaring sabi ni Josh L.
At nagtawanan ang lahat.
"Aba ang galing may loveteam agad ah" sabat naman ni Drei.
"hoy, anong loveteam, walang ganyan dito lalo na samin ni Vinci, eh parang kapatid ko na to eh, di kami talo no, di ba bro? sabat ni Reyster.
"Oo nga, kayo talaga mga loko-loko kayo" sagot rin ni Vinci.
"di tayo sure" biglang sagot ni Russu.
Napatingin naman si Vinci sa kanya.
"joke hahaha, kayo naman di na mabiro" sabat ni Russu at nagtawanan ang lahat.
"Class keep quiet, btw. nagpunta lang talaga ako dito para sabihin sa inyo ang announcement wala tayong klase ngayon kasi may meeting pa kami ng faculty, so enjoy the rest of your time, goodbye class". si maam dela cruz.
"Goodbye maam dela cruz" paalam ng lahat.
Biglang kinabahan si Vinci dahil sa nangyari kani-kanina lang. Napatingin siya kay Russu na ngayon ay nakikipagkuwentuhan sa Alpha Boys.
"Siya kaya ang nakapulot ng notebook ko" tanong ni Vinci sa isip niya.
ABANGAN!!!!!!!!....
YOU ARE READING
The Notebook
FanfictionThe Notebook - Pagmamay-ari ni Vinci. Isang napakahalagang gamit kung saan nakasulat ang lahat ng sikreto, isang bagay na siya lang ang nakakaalam pero paano kung ang bagay na ito ay mawala sa kanyang pangangalaga? Ano kaya ang mangyayari sa lahat...