Part 2 - School Contest

90 5 0
                                    

Matapos ang araw na iyon ay di na mapakali si Vinci. Habang naglalakad siya pauwi ay inaalala niya pa rin kung saan niya nalagay ang notebook niya pero wala na talaga siyang maalala.

Napaisip siya sa sinabi ni Russu. Di niya alam kung dapat bang pagdudahan niya ang kaklase dahil parang imposible pero pumapasok sa isip niya ang unang sinabi nito. Gulong-gulo na siya.

Nakarating siya sa kanilang bahay ng pagod at masakit ang ulo. Tinatawag siya ng kanyang Ate pero hindi niya na ito pinansin, dumiretso na siya sa kanyang kwarto at agad na napadapa sa kama. Tumagilid siya at kinuha ang kanyang unan, niyakap niya ito ng kay higpit at nanggigigil na naiinis sa kanyang sarili dahil sa katangahang ginawa niya. Napapikit siya at iniisip ang pwedeng mangyari kapag nalaman ng lahat ang nakasulat sa notebook.

Sa sobrang lalim ng iniisip niya ay nakatulog siya.

Kinaumagahan.........

Maagang naggising si Vinci at nakaramdam ng pananakit ng tiyan at naalala niyang hindi pala siya nakapaghapunan kagabi.

Naligo, nagbihis at agad na bumaba si Vinci para makapag-agahan.

"oh, gising ka na pala, hindi na kita ginising kagabi kasi parang ang lalim ng tulog mo" sabi ng Ate Vienne niya.

"madami ba kayong ginawa sa school niyo kaya parang pagod na pagod ka" dagdag ng Ate niya.

"hindi naman ate, napasarap lang yata ang tulog ko".

"sige na kumain ka na at alam kong gutom na gutom ka"

"salamat, nasaan pala sila mommy?"

"maagang umalis may pupuntahan daw"

Hindi na nagtanong si Vinci at kumain nalang siya. Pagkatapos niyang kumain ay nagpaalam na siya sa Ate niyang aalis na siya.

Sa School.

Dumiretso si Vinci sa Gym gaya ng sabi ng teacher nila kahapon.

"Vinci, hintay!" sigaw ng lalake sa likod.

Napatingin naman si Vinci kung sino ang tumawag sa kanya at nakita niyang si Onie ito. Bigla siyang nanginig at namula pero di siya nagpahalata.

"ikaw pala Onie, papunta ka rin ba sa gym?"

"oo, sabay na tayo" sabay akbay kay Vinci na lalong ikinagulat ni Vinci.

Hindi na siya umimik at hinayaan niya lang si Onie.

"Ano kaya ang announcement, may alam ka ba?" tanong ni Onie habang naglalakad sila papuntang gym.

Pero hindi sumasagot si Vinci dahil ang isip niya ay nasa kamay ni Onie na nakaakbay sa kanya.

"hoy, Vinci kinakausap kita"

Nagulat si Vinci.

"Ahhh, ha?, anong sabi mo?" ang tanging naisagot niya.

"Lumilipad ba isip mo? ikaw ha nagiging si Reyster ka na hahahaha"

"Sira, ano ba kasi yon?"

"Sabi ko may alam ka ba kung tungkol saan ang announcement?"

"ah wala eh di ko din alam"

"ano kaya yun"

hindi na sumagot si Vinci dahil nakarating na sila sa gym at habang naghihintay sa announcement ay nagpaalam muna siya kay Onie na magsi-cr.

Pumasok na siya sa isang cubicle para umihi. Bubuksan na sana niya ang kanyang cubicle ng may narinig siya..

"Hindi ko alam kung bakit ko ito nararamdaman sa kanya basta alam ko sa sarili ko na nahuhulog na ang loob ko sa kanya. Masayahin, makulit, Palatawa at higit sa lahat nagustuhan ko kapag ngumingiti siya. Alam kong nasa All boys school kami pero hindi naman kasalanan kung pipiliin kong sundin ang puso ko di ba?. Sa ngayon alam ko sa saeili ko na gusto ko siya".

The NotebookWhere stories live. Discover now