Part 6 - Abs ni Reyster and Friends 2

40 0 0
                                    

{continuation}

Someone's POV

"hay salamat sa wakas natapos rin" nasabi ko nalang habang nag-iinat malapit sa gate ng aming paaralan.

Matapos kasi kanina ng practice ng ibang grupo ay napagdesiyunan ko ring tapusin ang iba ko pang mga gawain at paglabas ko ay doon ko lang nalaman na parang ako lang yata ang natirang estudyante sa loob ng school.

"Oh, bat ngayon ka lang nakalabas? nakatulog ka ba?" tanong ng guard sa akin.

"eh Kuya may tinapos pa kasi ako at di ko namalayan na gabi na pala" sagot ko kay Kuya Guard habang napapakamot nalang ng batok.

"oh sya, umuwi ka na at gabi na, mag-ingat ka"

"sige kuyang Guard, salamat"

Dahil malapit lang naman ang bahay namin ay nilakad ko nalang ito.

Kinuha ko ang aking bluetooth headset at cellphone para makinig nalang ng kanta para hindi ako maboring.

Habang naglalakad ay sinasabayan ko rin ang kanta na aking pinapakinggan...

"wag, maawa na kayo sakin please"

may naririnig akong boses na umiiyak at parang nagmamakaawa....

Sa isip isip ko ay tinatakot lang ako o di kaya ay guni guni ko lang iyon kaya hindi ko nalang pinansin.

"please, wag"

nakarinig ulit ako kaya nagtaka na ako, sinundan ko ang ingay kung saan galing at habang papalapit ako sa isang abandonadong bahay ay mas lalong lumakas ang mga boses na naririnig ko na parang may ginagawa silang hindi maganda.

Naririnig ko pa rin ang iyak at pagmamakaawa ng isang lalake...

Kaya dali dali akong pumunta sa loob ng abandonadong bahay at doon ko nakita si......

"vinci?" napatanong rin ako sa sarili kung tama ba ang hula ko.

Nakumpirma ko nga na si Vinci at hindi ko kaya ang ginagawa nila sa kanya, Nakita ko ang mukha niya at sobrang nakakaawa sya sa kanyang sitwasyon.

"hoyyyy, itigil niyo yan" sigaw ko na ikinabigla naman ng nasa loob.

Agad akong sumugod sa kanila at pinagsusuntok sila.

Hindi na sila nakapalag pa dahil ang iba ay parang mga high na parang nakahithit. Sinubukan kong kilalanin ang mga lalaking ito pero hindi ko sila namumukhaan.

"Sino ka? bakit ka ba nangingialam dito? wag mong sabihing sosolohin mo lang yan, wag ganon pre kami ang naghirap makuha yan eh" sabi ng isang lalake na pinipilit tumayo matapos na tadyakan ko sya kanina.

"eh gago ka pala eh" asik ko sa kanya sabay tadyak ulit.

Marami pa syang sinasabi pero hindi ko na pinakinggan pa ulit, agad kong nilapitan si Vinci at di ko maitago ang awa sa kanya.

Punit na ang suot nyang damit at may mga pasa pa sya. Buti nalang ay may dala akong extra T-shirt kaya napagpasyahan kong linisan muna sya bago sya alisin sa lugar na to.

Matapos kong gawin lahat at dinala ko na sya palabas ng abandonadong gusaling ito.

Alam ko kung saan sya nakatira kaya napagpasyahan kong ihatid nalang sya sa kanila. Nang makarating kami sa kanila ay nagdadalawang isip pa ako kung magpapakita pa ba ako sa pamilya nya.

Sa huli ang ginawa ko ay nag door bell nalang ako tsaka iniwan si Vinci sa labs ng gate nila. Nagtago ako sa di kalayuan at nakita ko ang pagkagulat ng Ate niya ng buksan ang gate at makitang nasa ganoong sitwasyon si Vinci. Nagpalinga-linga sya para makita kung may tao ba o siguro nagtataka sya kung paano nakarating si Vinci doon. Sa huli ay tinawag nya ang kanyang ina at ganoon din ang reaksyon nya.

The NotebookWhere stories live. Discover now