Warning: This part is RATED SPG. Minors are not allowed.
Someone's POV
Katatapos lang ng lahat ng klase namin at nakapagpraktis na rin kami para sa nalalapit naming contest.
Palabas na kaming lahat sa gate, nagpaalam na ako sa dalawa kong kasama dahil hindi ko sya kayang makasama dahil nadadagdagan lamang ang galit ko.
Habang palabas ng gate ay nakita kong hinahabol ni Onie si Vinci pero hindi sya pinapansin nito. Hindi ko nalang sila pinansin at ako naman ay sinusundan ang taong matagal ko nang sinusundan, halos araw araw alam ko ang mga ginagawa nya kahit saan sya mapunta ay nandoon ako.
Di ko kaya na hindi sya makita. Okey na sakin ang mga ginagawa ko pero masyadong may epal kaya di ko matanggap ng malaman kong may gusto rin sya sa taong gusto ko.
Bakit sa dinami dami ng taong magugustuhan mo Vinci, bakit si Reyster pa. Nag ngingitngit ako sa inis at galit dahil gusto ko ako lang.
Sa wakas ay nagkahiwalay na rin sila ng mga kaibigan nya kaya heto ako at nakasunod na naman sa kanya.
Alam kong uuwi na sya pero katulad ng dati kong ginagawa ay susundan ko na naman sya.
Nakapasok na sya sa kanila habang ako naman ay naghihintay lang at kumukuha ng tiyempo na makapasok.
Oo, nakakapasok ako dito dahil wala syang ibang kasama maliban sa dalawang katulong nila dahil nasa ibang bansa ang kanyang mga magulang nag aasikaso ng kanilang negosyo.
"Manang, pakisara nalang po ng gate" sigaw ni Reyster sa katulong.
"sige po sir, tatapusin ko lang po ang hinahanda kong hapunan niyo" sagot ng katulong.
Matapos marinig ang sigaw na iyon ay dahan dahan kong binuksan ang gate at tsaka dahan dahan ring sinara iyon.
Sumilip muna ako bago tuluyang pumasok ng makitang nasa kusina pa ang katulong nila.
Umakyat na ako sa 2nd floor ng dahan dahan para hindi ako marinig.
Narinig kong binuksan ni Reyster ang kanyang kwarto kaya alam kong papasok na sya doon.
Sumilip ako at swerteng hindi nya masyadong isinara ang pinto ng kwarto nya.
Sumilip ako doon at sobrang saya ko ng makita ko na hinuhubad nya ang kanyang damit nasa harap sya ng kanyang cabinet na mayroong malaking salamin kaya nakikita ko ang kanyang buong katawan.
Gustong gusto na kitang hawakan at angkinin Reyster. Akin ka lang dapat. Gagawin ko ang lahat para mapansin mo ako. Hindi ako papayag na may kaagaw.
Hindi naaalis ang paningin ko sa kanya at kahit ang paghubad nya ng pantalon nya ay nakita ko. Nakaramdam ako ng kakaiba matapos ng aking makita. Pinilit kong pigilan ang nararamdaman ko pero gustong gusto ko na talaga syang puntahan. Nag-iinit ang buo kong katawan.
Kinuha ko ang cellphone ko at kinuhanan ko iyon ng litrato.
Oo, tama, lahat ng lakad nya ay mayroon akong mga litrato dahil gusto kong may remembrance ako sa lahat ng lugar na pupuntahan nya.
Masarap sa matang tignan ang tanawin na nakikita ko sobrang saya sa pakiramdam. Lalo akong na-excite sa naiisip ko kung magiging akin na sya. Natawa ako sa naiisip.
Nakita ko na ring nagbihis sya at nabigla ako ng bigla syang lumingon sa pintuan kung saan ako nakasilip. Bigla akong kinabahan at nagtago.
"Manang, ikaw ba yan?"
"Manong, andyan ka ba?"
Walang sumagot at mas lalo akong kinabahan ng maramdaman ko ang mga yapak palabas ng kwarto kaya dali dali akong pumunta sa kanilang veranda at doon nagtago.
YOU ARE READING
The Notebook
FanficThe Notebook - Pagmamay-ari ni Vinci. Isang napakahalagang gamit kung saan nakasulat ang lahat ng sikreto, isang bagay na siya lang ang nakakaalam pero paano kung ang bagay na ito ay mawala sa kanyang pangangalaga? Ano kaya ang mangyayari sa lahat...