{ NOTE:
Eto na yata ang pinakamahabang Chapter na nagawa ko enjoy dahil nag-uumpisa pa lang tayo 😉 }continuation.........
Halos mabaliw ako kakaisip sa nabasa ko na ipinost sa website ng aming school hindi lang isa, dalawa o tatlong page kundi sampung pages ng diary ko ang ipinost doon.
Pagkagising ko ay halos iniisip ko na ayaw nalang pumasok pero dahil scholar ako ay kailangan ko talagang pumasok baka kasi mawalan ako ng scholar at hindi na ako makakapag-aral dahil iyon lamang ang inaasahan namin.
Naligo at nag-ayos pa rin ako pero nanghihina na rin ang katawan ko sa hindi ko malamang dahilan parang bigla nalang akong nakaramdam ng panghihina siguro dahil sa stress na iniisip ko lately.
I really don't know how to interact mamaya sa mga tao dahil maraming reactions and comments ang nabasa ko kagabi at lahat yun ay puro pangbabash at pandidiri.
Nag-almusal ako at napansin rin nina mama at ate ang pagiging wala ko sa mood pero sinabi kong okey lang ako.
Nanditona ako ngayon sa gate ng school namin pero isang hakbang ko pa lang papasok ay nakatanggap na ako ng isang malagkit na bagay na tumama sa damit ko.
"yan bagay yan sayo, pervert hahahha"
"may manyak na nakapasok dito sa school natin deserve mo yan hahah"
"HAHAHAHAHAHAHAHAHA"
"naku mga pare wag kayo ganyan masama yan"
"naku kinakampihan mo ba yan, may gusto ka ba diyan?"
"ako? hahaha no way, kasi ang sakin lang naman bakit di natin ibigay sa kanya ang gusto niya kung gusto niyang makita ang buong katawan natin ibigay natin hahahahaha"
"pare kadiri ka"
"ayoko nga para lang to sa girlfriend ko, pare, girlfriend ibig sabihin sa babae lang hindi sa bakla hahaha"
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAAHAHAHAHAHSHSHA"
Nakayuko lang ako habang pinapakinggan ang mga sinasabi nila pero hindi ko pinapakitang nasasaktan ako at hindi ako umiiyak sa harap nila dahil ayokong isipin nila na mahina ako.
Sobrang lagkit na ng katawan ko dahil sa daming itlog na ibinato nila sa akin at harina kaya hindi ko na alam ang gagawin ko lalo na't nanghihina pa ako dahil siguro sa kaiisip ng nangyari.
"hoy ano yan, mga gunggong kayo"
Biglang may lumapit sakin at hinawakan ako sa braso.
"okey ka lang vinci?" sabi ng boses at kilalang kilala ko na kung sino sya.
"ano pang hinihintay niyo gusto niyo bang ma guidance lahat mga hinayupak kayo, layas at baka hindi ko kayo matantsa" sigaw niya sa mga estudyanteng nakapalibot sa akin at nagsialisan naman silang lahat.
"halika rito"
"ano bang nangyari"
hindi ako sumagot sa kanya.
"Teka doon nalang tayo sa CR magbihis ka."
"wala aking dalang damit, uuwi nalang ako" sagot ko.
"may extra ako sa locker ko kukunin ko lang halika ka, sabay na tayo at baka may mantrip na naman sayo"
Naglakad na kami papunta sa locker niya at kinuha ang extra niyang damit at pumunta na kami sa CR. Pumasok ako sa isang cubicle na may shower at doon ay naglinid ako ng katawan doon ko nilabas ang kanina ko pang pinipigilang iyak. Umiyak ako ng umiyak at dinadamdam ng sobra ang nangyari kanina.
YOU ARE READING
The Notebook
FanfictionThe Notebook - Pagmamay-ari ni Vinci. Isang napakahalagang gamit kung saan nakasulat ang lahat ng sikreto, isang bagay na siya lang ang nakakaalam pero paano kung ang bagay na ito ay mawala sa kanyang pangangalaga? Ano kaya ang mangyayari sa lahat...