EP2: Let's meet again

80 9 1
                                    

"Summer, hindi ka ba iinom?"Tanong ni Bryzon na nilingon si Summer na nasa counter table.

"Nagluluto pa ako" Ani ni Summer na ngumiti kay Bryzon.

Nag focus si Summer sa kaniyang paghihiwa habang sila Kenzu naman ay nasa sala umiinom, masyado pang maaga para uminom kaya namang paniguradong malalasing sila agad.

Tumayo si Kenzu sa kinauupuan niya at lumapit kay Summer,sinilip ni Kenzu ang niluluto ni Summer kung kumukulo na ba ito at ng makita niyang kumukulo na ay inilagay na niya ang mga gulay.

"Wala ka bang kasama dito?"Tanong ni Kenzu.

"Wala, hindi naman ako natatakot dito"Ani ni Summer na nilingon si Kenzu.

Habang busy ang dalawa sa pag uusap at pagluluto ay busy din naman ang tatlo na naiwan sa sala na mag chismisan tungkol kay Kenzu at Summer.

"She's pretty and smart" Ani ni Bryzon na nilingon si Summer.

"Yeah"Pagsang ayon ni Vryx."Sa tingin mo type ni Kenzu 'yan?"He asked.

"Nope, nakausap ko siya sa kotse kanina ang sabi niya walang namamagitan sa kanila"Ani ni Bryzon.

Napalingon si Zyaire kay Bryzon."I thought—"

"Akala ko rin"Putol ni Vryx kay Zyaire.

Hawak ni Bryzon ang niluto ni Summer na bopis at inilagay iyon sa lamesa.

"Ichismis niyo lang ako"Ani ni Kenzu na bumalik sa pag upo sa tabi ni Bryzon.

"Gago ka ano 'yan?"Tanong ni Vryx na tila hindi maipaliwanag ang expression ng kanyang mukha habang nakatigin sa pagkain sa lamesa.

"What's that?"Tanong ni Zyaire na sumimsim sa inumin niya.

"Masarap 'yan, binigyan ako niyan ni Kenzu"Ani ni Bryzon na kinuha ang kutsara ata agad na kumuha at kinain iyon."Yum!"He said.

"Here's the Adobo and curry"Ani ni Summer na inilagay sa table ang dalawang lalagyan.

"Dito ka" Ani ni Kenzu sa tabi niya.

Naupo si Summer sa gitna ni Kenzu at Zyaire habang nasa harap naman ni Summer si Bryzon na masayang nilalamlam ang bopis na luto ni Summer. Hindi mapigilan ni Summer ang mapangiti habang pinagmamasdan si Bryzon na enjoy na enjoy sa pagkain na niluto niya, iba talaga ang pakiramdam kapag nakikita mo na na gu-gustuhan ang pinaghirapan mo.

Hindi sinasadya na napalingon si Zyaire kay Summer, sinundan ni Zyaire kung kanino ito nakatingin and he find out that Summer is looking at his friend. Kinuha ni Zyaire ang kutsara at tinikman ang luto ni Summer na Adobo, Zyaire doesn't like the taste of Adobo.

"Zyaire—"Natigilan si Kenzu na lumingon kay Zyaire.

"It's Okay— masarap" Ani ni Zyaire na ninamnam ang pagkain.

"Wow! bago 'yan ha!"Ani ni Vryx na nailing habang may kutsara sa bibig nito.

Binaba ni Zyaire ang kutsara at pilit na lumunok.Napangiti naman si Summer dahil nasarapan din si Zyaire sa gawa niya.

"Excuse me"Ani ni Zyaire na tumayo sa kinauupuan nito.

Sinundan ni Summer ng tingin si Zyaire hanggang sa makapasok ito sa banyo. Bumaling na si Summer ng tingin sa kinakain nila at hindi na nilingon pa si Zyaire.

"Hindi ba siya kumakain niyan?"Tanong ni Summer.

"He doesn't like the taste of adobo"Ani ni Vryx na patuloy sa kinakain niya.

Summer In Iloilo (Ongoing)Where stories live. Discover now