EPISODE 4

73 8 1
                                    

Summer spent most of the day in the room, while Zyaire only visited Summer when it was time for her to eat. Bumangon si Summer sa kinahihigaan niya at nagtungo sa banyo upang maghilamos at para makapag palit na rin siya ng damit.

"I forgot the towel!" Nasapo ni Summer ang noo niya habang nakaharap sa salamin.

"Summer?"

Napalingon si Summer sa pinto ng marinig niya ang tinig ni Zyaire mula sa labas ng banyo. 

"I'm here" Ani ni Summer.

"Do you have a towel with you?"He asked.

"Uh— can you get me?"Nauutal na ani ni Summer.

Walang narinig na kahit na ano si Summer at ilang sigundo lang ay nakarinig ito ng katok kaya naman kaunti niyang binuksan ang pinto at inilabas ang kamay niya upang abutin ang towel.

"Thank you" Ani ni Summer ng makuha na niya ang towel.

"Your fever hasn't gone yet,don't wet your body too much."Ani ni Zyaire.

Hindi na muli pang nakarinig si Summer ng kahit na anong ingay kay Zyaire kaya naman nag patuloy na siya sa kanyang pagbibihis. After niyang magbihis ay lumabas na rin siya at dito nga ay sakto na papasok rin si Zyaire sa kwarto niya na may dalang tray kung saan nakalagay ang pagkain at gamot ni Summer.

"Uh— hindi ka pa umuuwi?"Tanong ni Summer.

"Pauwi na rin, Here's your food and medicine " Ani ni Zyaire na pinatong ang tray sa table."If you need anything just call the maid "Ani nito na amba nang tatalikod.

"Thank you" Ani ni Summer pagtalikod ni Zyaire.

Nailing na lang si Summer at tinignan ang dalang pagkain ni Zyaire, babawi na lang siya kapag kaya na niyang magluto. Hapon na rin kaya kumain na si Summer at ininom na rin niya ang gamot niya then after that ay nahiga na muli siya sa kama niya.

KENZU:

PAGDATING ni Kenzu ay sakto naman na nadatnan niya si Zyaire na pasakay sa kotse nito kaya dali-dali niya ito na nilapitan.

"What are you doing here?"Tanong ni Kenzu.

"Napadaan lang ako" Ani ni Zyaire.

Naghihinala naman siyang tinignan ni Kenzu."Sure? Wala ka sa office mo buong araw"Ani ni Kenzu.

"So?I don't need to stay in my office all day,I can earn money even when I'm at home" Ani ni Zyaire na sumakay na sa kotse niya.

Nailing na lang si Kenzu na sinundan ng tingin ang kotse ni Zyaire na palayo. Nag buntong hininga si Kenzu at pumasok na rin sa loob, hindi pa man tuluyang pumapasok ay natigilan si Kenzu ng makita ang isa niyang kotse na pinapagamit niya kay Khrizia.

"Manang?'Tawag ni Kenzu sa kasambahay nila.

"Sir?"Tanong ng kasambahay na lumabas mula sa kusina.

"Andiyan na ba si Khrizia?"Tanong ni Kenzu.

"Wala pa ho"Sagot nito.

Tumango na lang si Kenzu, mukhang hindi talaga ginamit ni Khrizia ang kotse niya."Kumain na ba si Summer?"Tanong ni Kenzu.

"Opo sir, pinakain siya ni Sir Zyaire kanina" Sagot nito.

"Pinakain? kanina pa ba andito si Zyaire?"Tanong ni Kenzu.

"Opo, buong araw ho siyang andito" Sagot nito.

Summer In Iloilo (Ongoing)Where stories live. Discover now