:)
Chapter 2 - Seeing you everywhere
Note: This chapter contains random days that we have interacted during the 'haunting' days or when we randomly saw each other in hallways, lobby or canteen.
-
A random Monday morning has come.
Hanggang after lunch lang ang klase ko para ngayong araw. Maaga akong umalis ng bahay dahil istrikto ang Professor namin sa unang subject. May dala- dala akong malaking bagpack dahil may PE kami ngayon.
Lumipas ang unang subject at isang oras na vacant na para bang wala lang. Nasa 6th floor kami ngayon dahil Philosophy subject namin. Isa sa mga inaabangan kong subject dahil tungkol ito sa mga matatalinong tao pagdating sa pag-iisip.
"Okay class, ready na ba ready?" Sabi ni Sir Palay. Ang kaniyang Iconic line.
Nag simula ang klase, at bumagal na ang oras. Nag labas ako ng yellow pad paper ko ay nag sulat ng notes na nasa screen, pati rin ang mga sinusulat ni Sir sa Glass Board.
Napatingin ako sa pintuan dahil may mga naka college uniform na naglalakad lakad sa labas ng room. Tuwing Monday at Thursday, may isang section sa college na kapalitan namin ng room.
Napatingin ako sa oras. Malapit na pala mag time. May oras na ang bagal ng oras kapag Philosophy, may oras naman na sobrang bilis.
Nahagip ng mata ko ang nakasilip sa pintuan.
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa nakita. Yung matangkad na college student!
Halatang nakita niya ako dahil saktong pagtingin ko sa kaniya ay lumingon siya sa harapan niya at naka-ngiti, sabay lakad muli kaya nawala na ito sa paningin ko.
Binaba ko ang sarili ko sa upuan para itago ang buong pagkatao ko. Nakaramdam ako bigla ng pagkahiya.
"That will be all today, class." Paalam ni Sir Palay.
Tumayo na kami at nagpasalamat kay Sir.
"Kate! Tara bilis sa CR." Sabi ko.
Mabilis kaming lumabas ng room. Nakita ko sa peripheral vision ko ang matangkad na college student. Dineretso ko ang lakad sa CR para maiwasan na mag tama ang aming mga mata.
Habang nagpapalit ng damit sinabi ko kay Jay at Kate ang nakita ko sa labas ng room.
"Beh, ang small world namin. Kaklase niya pa pala yung payat na maputi na tinuro ko noon sa inyo, yung pogi." Kwento ko. "Tapos kapalitan pa natin ng room. Talk about coincidence."
"Baka naka-tadhana talaga kayo." Natatawang sabi ni Jay.
Mabilis rin kaming natapos sa pag-aayos dahil 30 minutes lang ang nakalaan na vacant at magsisimula na agad ang PE subject namin.
__
Naka-upo ako sa sahig habang nakatingin elevator. Nagdi-discuss si Sir Dy ngayon at syempre hindi siya gaano naririnig dahil sa ingay na galing sa canteen, kaya nakatulala ako ngayon.
Mga ilang minuto ang lumipas sa pag-aaliw sa mata ko dahil sa mga familiar na mukha na naghihintay sa gilid namin kasi naka-pwesto kami sa tapat lang rin ng elevator, at saktong pagbukas nito may isang matangkad ang biglang nakita ko.
Naka-simangot ito at naka-kunot ang mga noo.
He is just so tall and really look so neat. His hair is fixed on one side, halatang gumagamit ng hair wax. He is wearing a black eye-glasses, halatang gamer na anemic at may insomia na bampira ang sleeping schedule.