Chapter 4 - Our first conversation
Note: Bear with me with this chapter. I tried my best to write what happened during our first conversation (of course, through messenger) also, this is a semi-long chapter.
-
Kinabukasan.
Kasabay ko si Mielle kapag Friday. Pinupuntahan niya ako sa bahay para sunduin. 6 am kami umaalis dahil 7 am ang mga klase namin. Sabay din kaming umuuwi dahil hanggang 10 am lang kami.
Oo. Letche. Tatlong oras lang kami sa school.
Pero siyempre, dahil ayaw ko pa umuwi sa bahay, madalas gumagala kami kapag tapos ng klase. O, kaya naman tumatambay doon hanggang sa tamarin nalang kami.
"Mielle, may kwento ako sa'yo!" Bungad ko.
Kinwento ko naman agad sa kaniya sa buong biyahe ang nangyare sa STI kahapon.
Yung whole interaction namin ni 'Ethan' pati kung paano kaliit ng mundo namin.
"In-add ka na ba?" Tanong ni Mielle.
Umiling ako, "Baka na-turn off eh. Malay mo nasa isip niya: Ay 'wag na kapatid ni Rinbert eh."
Actually, ang una kong ginawa pag gising ay i-check ang Facebook kung may nag add na ba sa akin. Pero wala! Ibang mga STIers ang nakikita ko sa Friend Request ko.
Wala akong pakielam sa kanila. Ang gusto kong mag add ay yung college student na matangkad, four-eyes, straight body kung maglakad, expensive ang pangalan at guwapo!
Heh. Bahala na nga.
Eh, ano ngayon kung hindi ako i-add? Parang ang laking kawalan ah... Sige, Izabel, i-gaslight mo sarili mo.
Naging mabilis lang ang biyahe. Ang unang tanong sa akin ni Jay pag pasok namin sa room ay kung naka-chat ko na raw ba yung college.
Nagkaroon kami ng bagong topic sa Pre Calculus. Sa klase ko tinuon ang buong atensyon ko lalo na't tatlong oras ito. Nagkaroon din kami ng bagong topic.
Sa tatlong oras na klase, naging maayos naman ang umaga ko. Nag early lunch na rin kami nila Kate.
-
Alas kwatro ng hapon ako naka-uwi ng bahay.
Hindi pa rin ako ina-add.
Nag meryenda kami ni Kuya Malvin.
Habang nag ce-cellphone, tinignan ko ang Messenger ko. May mga bagong chat kaya ni-reply-an ko ang mga ilan sa ito. Ang iba ay nilo-long press ko lang.
Nahagip ng mata ko ang profile account ko na may '1' na naka-lagay. Pinindot ko ito at dali kong nakita na may isang message request.
Don't tell me...
Ang unang pumasok sa isip ko ay siya.
Fuck.
May message request siya kagabi!
Napa-face palm ako literally.
In-open ko ang chat. At dali akong napa-mura dahil sa katangahan ko. Bakit kasi naka-focus ako sa Facebook?
Teka malay ko bang message request ang trip niya at hindi friend request. Hindi na ako nagpa-tumpik tumpik pa at ni-reply-an ko rin agad.
11/24/22, 8:28 PM
Ethan
Hello!
Not sure kung tamang account ba minesage ko HAHHAHAH dami mong accounts sa fb eh