Chapter 3 - Your Name
-
Thursday nanaman ngayon.
Kasalukuyan kaming nasa Student Lounge nila Jay at Kate. Nag ke-kwentuhan kami kasama ang iba naming mga kaibigan sa classroom.
"May mga pinapatawag daw ngayon ah." Kwento ni Isaiah.
"Tawag daw saan?" Tanong ni Jay.
"Hindi ko lang alam. Pinatawag yung ibang boys sa room eh."
Nakinig lang ako sa mga pinag-usapan nila. Patungkol ito sa mga bagay bagay. Pagkatapos ng ilang minuto biglang lumapit sa akin ang isang teacher, si Ma'am Jelly.
"Izabel?" Tanong ni Ma'am sa amin.
"Yes po?" Mabilis kong sagot.
Nilapitan niya ako at hinawakan sa kamay, "Tara. Sama ka sa akin."
Sinundan ko ito sa paglalakad. Iniwan ko ang mga kaibigan ko at sumama kay Ma'am.
"Ano pong meron?" Tanong ko.
Med'yo kinakabahan ako dahil ang sudden. Wala naman akong ginagawang masama recently. Tungkol ba ito sa issue nung nakaraan? Eh, naayos naman na 'yon. Ano kayang meron?
My thoughts are literally messing with me right now. Kinakabahan ako for what reason?
"May christmas party sa taas." Sagot ni Ma'am habang naka-ngiti.
Christmas party? Edi wow. It's the last week of November pero ang aga pa para mag celebrate ng Christmas party.
"Ma'am, ano nga po? Wala naman po akong kasalanan 'no?" Tanong ko. Pumasok kami sa Elevator kasabay ang ibang mga estudyante at teachers na ngayon ay nag-uusap.
"Marami rami na ba na-recruit mo?" Tanong ng isang teacher kay Ma'am Jelly.
"Oo, sabi ko nga sa kaniya–" Turo sa akin, "–na may party sa taas."
Bumukas ang elevator sa 7th floor. Bumungad sa akin ang mga estudyante na naka-upo sa black chair, ang iba ay nakuha ang atensyon nila dahil sa amin. Laking gulat ko pa na sa mismong harapan ko ay naka-upo si Katherine.
"Uy! Iza!" Tawag nito sa akin at inaya akong umupo sa tabi niya.
"Anong meron?" Tanong ko nung ako ay naka-upo na.
"Drug testing." Sagot nito sabay mura ng malutong.
What the hell. Drug Testing? Mukha ba akong adik? I mean, oo, puyat ako palagi, malalim mata ko, may insomia at anemic ako pero hindi ako adik!
Anong trip mo STI?
Dali naman pumasok sa isip ko si Kuya Mckei dahil sa sinabi niya sa akin nung inabot ko ang slip form patungkol sa Drug Testing. 'Random lang naman ang pili sa gan'yan, nung senior ako d'yan isa ako sa mga napili eh.'
Okay, baka nasa dugo namin ito.
Tinignan ko ang paligid. May mga taong kilala ko. Nandito rin ang ilang mga Tourism Operation babies, sila Jasmine.
Nagugulat nalang ako sa mga pamilyar na mukha na hindi naman halatang adik. Maski ang ilang teacher na kilala ako ay nagugulat at tinatanong kung anong ginagawa ko doon. Aba malay ko? Kayo ang pumili tapos tatanungin niyo ako?
Siguro nga random lang ito. Halata naman kasi kahit ang isang anghel na classmate ko ay nandito eh.
-