Chapter 1

16 0 0
                                    

:)

Chapter 1 - Our first Interaction

Tumayo kaming tatlo na magka-kaibigan pagkatapos namin kumain ng aming lunch. Medyo crowded na kaya umalis na kami sa Canteen.

Habang naglalakad kami patungo sa elevator. Bigla akong kinalabit ni Kate at bumulong, "Iza! Ayon yung sinasabi ko sa inyo na college na naka-tabi ko sa Canteen nung nakaraan." Sabi nito at sabay turo sa isang grupo ng lalaki na kasalukuyang may PE subject.

Tinignan ko ang tinuturo nito, "Sino d'yan?"

"Yung naka Nike shoes na may red." Nguso pa nito.

Tinignan namin ni Jay ang mga sapatos nila. Sabay kaming napa-'ah' habang naka-tingin sa isang lalaki na maputi at mukhang gwapo nga.

"Tirador talaga si Kate ng college." Tawa ni Jay.

"Nasa college kasi ang true love." Dugtong ko naman.

Pinindot ni Kate ang elevator button, "Mismo!"

"Mukhang gwapo ah." Sabi ni Jay kay Kate.

"Syempre beh, gwapo talaga. Hindi naman ako pumapatol sa maasim."

Sabay sabay kaming natawa at pumasok sa elevator ng bumukas ito. Wala kaming kasabay na estudyante kaya solo namin ito.

May dalawang oras pa kaming vacant kaya hindi namin alam kung anong gagawin namin. Tuwing Thursday, tatlong oras lagi ang aming vacant dahil sa toxic naming schedule.

Madalas nasa Student Lounge lang kami, nagpa-palipas oras. Si Kate na laging tulog, ako na minsan ay ka-kwentuhan ang mga kaibigan ko sa ibang strand na kasabay namin sa vacant pero madalas rin tulog ako o nagbabasa ng libro. Habang si Jay naman, tutok sa kaniyang cellphone.

Lumipas ang isang oras, tumingin sa akin si Kate, "Iza, gusto ko malaman schedule nung college."

Tumawa ako ng malakas kaya nakuha namin ang atensyon ni Jay, "Anong course ba 'yon?" Tanong ko.

Sandali itong napa-isip, "BSIT 103 ang narinig ko nung tinawag sila nung PE Instructor nila."

"Wow ha, halatang matalas pang-rinig ah." Lokong sabi ni Jay.

"Tara ba hanapin natin?" Tanong ko.

Mabilis na tumango si Kate kaya tumayo kaming tatlo at nag simulang maglakad papuntang Ground floor.

"Game, hanapin natin." Excited kong sabi.

Nakasabay namin sa hagdan si Janella at Tenchi kaya inaya rin namin itong maghanap ng crush ni Kate sa Lobby.

Dumeretso kami sa gilid ng entrance door. Buti nalang at bukas ang aircon kaya hindi gaanong mainit dito.

"Anong gagawin ulit?" Tanong ni Janella.

"Aalamin yung schedule nung crush ni Kate na college. BSIT yung course kaya tanungin nalang natin lahat ng naka college uniform." Sagot ko.

"Legit ba?" Natatawang tanong ni Tenchi.

"Oo, supportive ako eh. Tara." Aya ko kay Kate.

Umupo si Jay, Tenchi at Janella sa sahig. Kami munang kambal ang nag-ikot sa buong Lobby.

Una kong napagtanungan ang mga nakatayo malapit sa amin, "Hello po, anong course niyo po?" Nakangiti kong sabi kahit na naka-mask ako.

Call It What You WantWhere stories live. Discover now