siya nalang

213 3 0
                                    

Kung bibigyan kita ng pag kakataon para mamili sa pagitan saming dalawa
Piliin mo siya
hindi sa pinipilit kita sakanya
hindi sa wala na kong masabing salita
hindi sa hindi na ko masaya
hindi sa wala na kong maisip na pyesa
hindi sa wala na kong tinta
upang dagdagan ang ating pahina
Hindi sa ayaw ko na
kundi dahil sa gusto kong makita kang masaya
yun lang naman ang hinahangad ko simula
nung una diba?
Ang maging masaya ka kahit pa sa piling ng iba

wala na kong ibang hahangarin kundi makita
ang ngiti sa ' yong mga mata
Kaya kung pipili ka
Sa pagitan ng Ako o Siya
Piliin mo " siya"
Kasi hindi naman mag kakaroon ng "Siya",
kung ako talaga
Hindi naman mag kakaroon ng "Siya"
Kung ako ay mahal mo diba?

hindi naman mag kakaroon ng "Siya"
Kung Masaya tayong dalawa
Hindi naman mag kakaroon ng "Siya"
Kung Kuntento ka na sa isang prinsesa para maging  masaya
At hindi mag kakaroon ng "Siya"
kung simula't una wala ka ng hinahangad na iba.

Ikaw ang Tula Where stories live. Discover now