Mananatili ako

262 2 0
                                    

Mananatili Ako
Hindi para mang gulo sayo
O sa Bago mong ginugusto
Kundi dahil Yan ang una Kong pangako
Bago ka mawala sa tabi ko
Mananatili Ako
Hindi para bumalik sayo
Kundi gusto Kong patunayan sayo
Na Hindi Ako tulad mo
Na naitapon lahat para sa iisang tao
Hindi Ako tulad mo
Na handang iwanan Ako
Para lang sa Isang dahilan na di mo
Alam kung totoo
Wala ka mang pangako
Upang panghawakan ko
Ngunit Isang sugat naman ang iniwan ng pag kawala mo
Sugat na ayaw huminto sa padurugo
Hindi ko man aminin sayo
O ilang beses ko mang itanggi sa sarili ko
Nangungulila parin Ako sayo
Hinahanap ko
Parin Yung pag mamahal na Minsan
Kong naramdaman sa Isang katulad mo
Namimiss ko ang bawat tamis ng suyo mo
Sa tuwing maiisip Kong mag tampo
Ngunit Ewan ko ba, bigla nalang nag Bago
Bigla akong nanibago
Ang lahat biglang naging blangko
Naging malabo
Ni walang salita Ang lumabas sa bibig ko
Ngunit sapat na siguro
Ang luhang bumagsak galing sa mga mata ko
Sapat na siguro
Upang maitanong ko
Mahal, Bakit Hindi Ako?
Akala ko ba araw araw, Ako ang pipiliin mo?
Akala ko ba kahit na maging magulo
Tayo lang Hanggang dulo
Akala ko ba na kahit na bumagyo
Ako lang ang iibigin mo?
Tamang titig nalang ba sa malayo?
Pag mamasdan nalang ba lagi ang mga litrato
Paano naman Ako?
Paano naman Yung pag mamahal na inihandog ko ng buong buo?
Mahal paano?
Paano tayo dumating sa gantong Punto?
Alam mo Ba Yung pakiramdam na parang di ka kumpleto?
Yung parang may Isang piraso
Na nawawala sayo?
Minsan nga napapaisip Ako
Kung pinili mo lang ba Ako
Kasi mahal mo ko?
O
Hindi ka pa niya gusto?
Hindi ka pa gusto nung dalagang gusto mo?
Diba Masaya naman tayo?
Nag kakaintindihan naman tayo
Hindi naman Ako laging Galit sayo
Pag kausap mo ko
Nakikita ko naman na Masaya Kang kausap Ako
Kaya nga Hindi ko
Maintindihan sa kahit saang anggulo
Kung bakit Hindi Ako?
Bakit Hindi Ako?
Nung pinili mo ba Ako
Hindi ka pa sigurado?
Ginawa ko naman lahat ng makakaya ko
Sinubukan ko namang dagdagan
Ang mga kabanata
Habaan ang bawat salita
Sa pahina ng talata
Hindi pa ba
Sapat lahat ng yon para manatili ka?
Paano mo nagagawang maging Masaya?
Kung merong Isang taong Hindi alam kung
Paano muling tumayo
Dahil iniwan siya ng taong nag sabi
Na kailaman Hindi mawawala sa tabi niya
Iniwan siya ng taong mas mahal niya
Higit pa sa sarili niya
Iniwan siya ng Isang taong na
Kailaman Hindi daw mapapagod na
Mahalin siya
Nahihirapan siyang tumayo sa
Pag kakadapa
Dahil nung kusa Kang nawala
Nawala na rin siya
Kusang nawala Yung sarili niya
Kaya nga napakadaya
Kasi paano mo nagagawang tumawa
Habang may Isang taong nandyan pa
Pero Hindi mo na siya nakikita
Alam mo kung bakit? Hindi na naman siya
Hindi na naman siya ang nakikita
Ng iyong mga mata
Dahil may iba ng dalaga
Na nag mamay ari ng titig na
Dati sakanya
Sinta, Ikaw Ang tula
Sa masasakit na tugma
Ikaw Ang tula
Sa mga Kulang Kulang na talata
Ikaw Ang paksa
Ikaw Ang pyesa
Ngunit patawad kung Hindi ko na
Nadagdagan ang bawat kabanata
Patawarin nawa Ako ng mga alaala
Dahil sapilitan ko Sila
Ibabaon sa lupa
Mahal patawarin mo ko
Sa pag pigil sayo
Nung gustong gusto mo ng umalis sa tabi ko
Patawad noong pinigilan kita
Kahit na ayaw mo na
Patawad nung minsan ako'y nag makaawa
Huwag ka lamang mawala
Ngunit asahan mong nandito lang Ako
Isara ko man ang ating libro
Tapusin ko man ang istoryang binuo
Ng pag mamahal ko sayo
Tandaan mo
Nandito lang Ako
At paulit ulit akong mananatili sa tabi mo
Kahit na sa araw araw Hindi Ako ang piliin mo
Ikaw at Ikaw parin ang pipiliin ko palagi
Ikaw lang parati
Sa palagi o Gabi
Ikaw lang lagi
Nandito lang Ako palagi sa iyong tabi
Mananatili
Ngingiti
At sa huli
Mananatili kahit na piliin mo o hindi.

Ikaw ang Tula Where stories live. Discover now