Subdivision

64 1 0
                                    

Natatanaw ko na
Na Dito nalang Ang itatagal nating dalawa..
Nakikita ko kung paano mabawasan Ang bawat pahina ng ating istorya
Nararamdaman Kong nauubusan na
Ako ng tinta..
Kaya't  Hindi ko na masusundan pa..
Sa alaala nalang ulit kita makikita
O baka sa Isang Lugar masilayan muli kita..
Tahanan mo ko nung simula
Yung pinaka umpisa..
Tahanan na paulit-ulit na tinatanggap ka..
Pero tanong ko lang bakit na
Isipan mo parin sa iba mag pahinga?
Naisip mo man lang ba?
Yung taong sinabihan mong
"Sakanya Ka lang mag papahinga",
Pero at the end of the day sa ibang kama ka
Pa Rin humiga..

Aaminin ko, bilib Ako sayo
Bilib Ako sa lahat ng sinabihan mo
Ng "ikaw lang Ang tahanan ko"
Yung totoo balak mo bang mag Tayo
Ng subdivision sainyo?
Papantayan mo ba Yung taas ng tindahan sa may kabilang Kanto?
Tutal lahat Naman ng nakilala mo
Ginawa mong tahanan..
Anong bang kahulugan Sayo ng salitang "Tahanan"
Yan ba Yung maaalala mo lang kapag parang napupuno kana ng pagod sa katawan?
Hindi Naman kaya pag ika'y nalalamigan lang na kailangan lang muling mainitan..
Kung gusto mo lang pala mainitan
Bakit Hindi ka tumutok sa may ihawan?
O
umupo sa may kalan?
Minsan naglalaro sa aking isipan
Ang salitang "aking tahanan"
Aking tahanan, bakit bigla mo Kong iniwan?
Aking tahanan, bakit Hindi mo ko inuwian?
Aking tahanan, masyado ka na bang nalamigan?
Upang maghanap ng init sa ibang kanlungan?
Hindi ko maintindihan
Minsan na Rin akong ginawang buwan
Na Akala ko Siya Ang Tala sa aking madilim na kalangitan..
Pero Ang Hindi ko alam; Ako lang Pala ay Isang nilalang na nakatingin sainyo
Habang binubuo niyo Yung pag mamahal niyo
Minsan mo narin akong ginawang Mundo
Pero may nalaman Ako
Na Hindi lang Pala Ako Ang sinabihan mo
Ng " ikaw Ang Mundo ko" 
Na "Sayo lang iikot Ang buhay ko"
Hindi mo Naman Ako sinabihan na balak mo
Palang bumuo ng sariling solar system mo..
Angas mo..
Gusto mo lahat napapasayo..
Tapos pababayaan mo
Kapag may bagong nakakuha ng interes mo?
Lupet mo..
Kung subdivision lang Pala Ang nais mo
Sana Hindi kana bumuo,
Ng Sariling solar system mo..

Hindi kami planeta
Na dapat kinokolekta
Hindi kami pera
Kung saan gugustuhin mo lang makuha
Ng Basta-basta...
Hindi kami musika
Na kakailanganin mo lang kapag nalulungkot ka...
Hindi kami baterya
Na kapag chinarge mo dapat okay na..
Hindi kami barya
Na kailangan mo lang tuwing Umaga
Hindi kami luha
Na nandyan lang kapag Hindi mo na kaya..
Higit sa lahat, Hindi kami Tanga
Para paulit-ulit tanggapin Ang Isang taong nandyan lang Kasi naaaliw pa Siya,
Pero pag nawala Yung saya
Kusa nalang Yan mawawala.

Kaibigan Minsan ka na Rin bang naging subdivision niya?

Ikaw ang Tula Where stories live. Discover now