Kasabay niya si Lae sa greenwich dahil birthday nito at nakapangako siyang may date silang dalawa, ang saya kahit sila lang dalawa naubos nila ang isang buong pizza, at lasagna di pa nakuntento si Drei ng may mapadaang street food, "hala Lae! anu kaya yun hilahila ng mama, tara try natin?" aya niya dito sabay hila ng kamay "ano ka ba naman Drei? kakakain lang natin di ka pa ba nabusog?" ka bu burp lang ni Lae sabay silang napatawa, "itatry lang naman eh" sabi ni Drei, sabay habol sa nagtitinda "mama! mama! wait! bibili kami!" pasigaw niya habang tumatakbo, huminto naman ang tindero, nakita ni Drei na color orange parang isang malaking fishbol " mama, pabili po ng fishbol nyo." hihingal hingal sya sa pagsabi, "naku ineng kwekwek tawag dito hindi pisbol, dalawang piraso dyes pesos" sabay tawa nito makikita ang one seat apart na ngipin na kinatawa ng lihim ni Lae. bumili sila at tahimik na tinahak ang pabalik ng school nasarapan si Lae kung kaya't pinahinto si Drei balikan daw nila pero nagpaiwan siya,hinintay niya si Lae sa may lilim ng puno ng biglang may sumagi sa kanya, tumilapon sa damit nya ang kinakain, halos mamula na sya sa galit, ng lingunin nya kung sino laking gulat niya "amanos na tayo senyorita!" Sabi nito sabay sakay nito ulit sa skateboard papalayo. "Lae pano nato wala akong extra, may dalawang subject pa tayo oh..?" nag aalalang tanong ni Drei, buti nalang may bitbit na extrang pamalit si Lae at ipinahiram sa kanya. Last subject na nya at labasan na nila, tinext niya si Lae na maghihintay sya sa lobby, naka alis ng lahat ng classmates nya at sya nalang ang naiwan, napansin nyang may nakaupo sa dulo ng pasilyo, nang mapagsino nya yon naningkit ang mga mata niya, lumingon nalang sya sa direksyon ng mga locker ng biglang dating ni Lae, "tara na Drei?" tanong nito, at sabay silang bumaba, habang binabaktas ang sakayan ng mga dyip di niya naiwasang itanong "Lae, kilala mo yung lalake na laging nakaupo sa dulo ng lobby?" tanong nya "ahh? Si Mute?" sabay ngisi nito "huh?mute??as in pipi? sigurado ka?" takang tanong niya "eh kasi kapag tinatanong namin di naman siya nagsasalita eh,pinakita lang yung c.o.r (certificate of registration) niya pag tinatanong kung anong pangalan niya", namangha si Drei sa nalaman, "ganun?? eh bakit..?" di na nya tinapos "bakit ano??" tanong ni Lae "ah wala..baka nga mute talaga"nasabi nalang niya,