His side of story

10 2 0
                                    

Nakakadepress unang araw ng pasukan, walang makausap, walang kakilala, wala ng girlfriend, ano pa ba ang wala? nasabi ni Jin sa sarili, mag iisang buwan na buhat ng lumipat sila ng tirahan dahil dito nadestino ang papa niya, ang mama naman niya namatay sa isang aksidente na naging dahilan kung bakit bulakbol sya nung highschool at laging napapasama sa gulo, kabila't kanan pa ang mga babae nya, ngunit nagbago lang sya ng dumating sa buhay nya si Marge, ang babaeng akala nya magiging ka forever nya, umiwas na sya sa pakikipagbasagan ng mukha at pagbubulakbol nagmula ng maging sila, subalit dumating ang araw na di nya sukat akalain, sinabihan sya ng papa nya na madedestino sila sa malayo kung kaya't kailangan na nilang lumipat ng bahay, wala syang nagawa kundi sumang ayon at kinausap nya si Marge "ayokong malayo sayo Mahal, sabihin mo lang, at gagawa ako ng paraan para di makasama" pagmamakaawa niya dito, "kahit pa gustuhin ko pero alam naman natin Mahal na di papayag ang papa mo na magpaiwan ka,sumama ka nalang..para din naman yan sa kinabukasan mo"saad nito, "pero pano ka? ayokong mawalay sayo.."naiiyak na sya "nandito lang ako Jin, maghihintay ako sayo sa.." di pa natapos ni Marge sumabat na si Jin "pero ayaw ko nga..kung pipilitin mo ako at hindi mo ako pinigilan,hinding hindi na ako babalik sayo.." at yun na ang huling naalala ni Jin,dahil pinili ni Marge na palayain sya, at heto sya ngayon, buhay pero para naring patay, para syang robot, kumikilos lang para kumain, mag aral, at matulog. at mula sa pagbabalik ng nakaraan bumalik ulit ang isipan niya sa kasalukuyan ng may isang babaeng naglalakad papunta sa direksyon nya, yumuko sya ulet ng bigla itong magsalita, nanlamig sya dahil kaboses nito ang babaeng laman ng puso niya.. si Marge, pag angat niya ng mukha nadismaya sya dahil hindi ito ang inaasahan niya, at nasabi nalang niyang umalis nalang ito,ngunit madaldal at makulit ang babae, na mas lalong nakapairita sa kanya, akala niya yun na ang huli nilang pagkikita pero nadagdagan pa ito ng isang araw na pababa sya ng hagdan, nagmamadali ang babae paakyat at hindi sya napansin nito, imbes na umiwas sinadya nyang manatili sa lugar niya kung kaya't nabangga siya nito, ang lambot ng katawan niya at ang bango, nasambit nalang niya sa isip niya. ngunit para hindi sya paghinalaan,pinili nalang nyang mag galit galitan. At ang huling nakita nya ito ay kahapon, tahimik syang lumakad papunta sa kubo kung nasaan ito, nakatalikod ito sa kanya at may ka text, na curious sya kung kaya't nakibasa nalang siya, parang piniga ang puso niya sa nabasa, may boyfriend na pala yung best enemy niya, pero... wait?? nag seselos ba sya? bakit sya nasasaktan? kung gayun namang ni hindi niya kilala ang babae at higit sa lahat wala silang anumang relasyon, pero wtf nasabi niya, masakit talaga sa dibdib, tumikhim siya balak sana niyang makipag kilala sa babae pero tinarayan siya nito,nahuli kasi ang mga mata niya na nakatingin sa cp nito, nagpa awa effect nalang siya pero ibang klase..kasi nilayasan siya, di tuloy niya malaman kung bulag ito at bakit di nakikita ang ka gwapuhan niya, ayy oo nga pala taken na pala ang babae, bagsak ang balikat na umupo sya kung saan ito nakaupo kanina, at wala sa loob na kumuha ng bolpen at sulatan ang kawayan, napangiti siya at umalis.

My Punk LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon