Hoy Ikaw,
Naabutan kita kanina sa locker area,pagbukas mo ng locker mo,biglang bumulusok pababa yung mga letters para sayo.Kunwari wala akong pake,pero tinitingnan kita.
Tutulungan nga dapat kita kaso naalala ko di nga pala tayo bate.Siguro di na dapat kita tiningnan,nakita ko kasi na tinapon mo ang lahat ng yun sa basurahan.Magagalit sana ko sayo pero san mo nga naman kaya lalagay yun? Sa cabinet mo? Sa kwarto mo? Sa loob ng brief mo? Malamang sa basurahan.
Huminga ko ng malim bago buksan ang locker ko.
May nalalag na piraso ng papel.Ano to?Sorry.
Napatingin ako sa direksyon mo pero tanging likod mo na lang ang nakita ko.
Ikaw kaya yun?
-kris
BINABASA MO ANG
Hoy! Ikaw!
Teen FictionHoy! Ikaw! Binago mo ang simple kong buhay. Ginulo mo ang tahimik kong love-life. [COMPLETED]