Hoy! Xander,
Hindi ko alam na ngayon pala mangyayari ang bagay na magpapabago ng lahat.Ang bagay na kinatatakutan ko.
February 13 na at section natin ang na-assign sa marriage booth at blind date booth dahil tayo ang section 1.
Inutusan ako ni maam na kunin yung red na pintura sa bodega ng school.
Nagulat naman ako ng makita kang nasa likod ko.
"Bakit ka nandito?" -tanong ko sayo.
"Sabi ni ma'am eh" -sabi mo.
Siguro pinasamahan ako ni ma'am sayo.
Binuksan ko yung pinto.At hinanap yung red paint.
Nakita ko naman agad.Kinuha ko na yun at Lalabas na sana ko ng biglang ayaw bumukas ng pinto.
Binaba ko naman yung red na paint at pilit na binubuksan yung pinto."X-Xander,na-lock yata tayo! Pano na yan! Hala Xander! Tulungan mo akong sirain ton pinto!" -nagpapanic kong tanong.
"Relax,makakalabas rin tayo" -chill mong saggot.
"Relax? Xander mamatay tayo rito!!" -sigaw ko sayo.
I heard you chuckled. At nagawa mo pa talagang tumawa?
"Don't worry,makakalabas rin tayo.Umupo ka muna" -sabi mo.
Kaya umupo muna ako.
S
I
L
E
N
C
ENangibabaw ang katahimikan ng ilang segundo.
"Gaano mo kamahal si Justine" -nagulat ako sa tanong mo.Anong klaseng tanong yun?
"Ay mali pala.Ang dapat ko palang itanong ay kung mahal mo ba si Justine" -bakit mo naman kaya naitanong.Napapano ka ba?
"O-oo naman" -yun na lang ang naisagot ko.
Nagulat ako sa unti-unti mong paghakbang sa kinaroroonan ko.
Kaya naman umatras ako ng umatras hanggang sa napasandal na lang ako sa pader.
Ang bilis ng tibok ng puso ko.Lalo na nung na-corner mo ako.At nilagay mo ang kamay mo sa magkabilang side ng ulo ko.
Kinalaki naman ng mata ko ang sumunod mong tanong.
"Can I kiss you?"
Wait--a-ano??
Napatingin ako labi mo.Napalunok ako bigla.Unti-unti mong binaling ang ulo mo at napapikit na lang ako.
Ano ba tong nangyayari sakin.Para kong na-paralyse.Di ako makagalaw. Rinig na rinig ko ang malakas na tibok ng puso ko.
1…
2…
3…
Wala pa rin."Kung mahal mo sya,ba't mo ko hahayaang mahalikan ka" -napadilat ako malayo ka na sakin.
Napahinga ko ng malalim.Muntik na yun.
Nakabukas na ang pinto.Nakita kong may hawak kang susi.Kaya ka siguro pinasunod sakin,sayo binigay ni maam yung susi.Kaya pala chill na chill ka lang.
Pero di mawala sa isip ko ang tanong mo.
"Kung mahal mo sya ba't mo ko hahayaang mahalikan ka"
Bakit nga ba?
Bakit?Alam ko naman ang sagot.
Ayoko lang talagang aminin. Dahil may masasaktan kapag nilabas ko tong nararamdaman ko.-Krystaline
BINABASA MO ANG
Hoy! Ikaw!
أدب المراهقينHoy! Ikaw! Binago mo ang simple kong buhay. Ginulo mo ang tahimik kong love-life. [COMPLETED]