A/N: ito na yung climax! >__
Ginawa ko yung best para maisagawa to ng tama.But this chapter ay di perfect.Point of View po ni Krystaline ang chapter na ito.
Thanks for support.
I love you all!!!!!!!!!!This chapyer is dedicated to~ @HaveYouSeeenMyPen
Salamat kaibigan!!!
Godbless ! ;)
~*~Hinanda ko na sarili ko,ngayon kami magkikita ni Xander at ni Justine.
Ready na ko.
8:39 am.
Maaga pa.Pero sumakay na ko sa kotse ko at nagdrive patungong park.
Kinakabahan ako sa di malamang dahilan.
Pagkarating ko sa park,nakita kita sa di kalayuan.Nakaupo sa isang bench. Medyo nahiya tuloy ako at mas lalong kinabahan.
"Hi" -bati mo.
"H-Hello" -bati ko.
"You look gorgeous" -puri mo.
Agad namang umakyat ang dugo ko sa pisngi ko."T-talaga?" -nahihiya ko namang sagot.
"Oo." -sagot mo.
"A-ano nga palang pag uusapan natin" -tanong ko na biglang ikinaiba ng ekspresyon ng mukha mo.
Bigla kang naging seryoso.
"Krys, its... Im falling inlove" - sabi mo.
Bakit mo sakin sinasabi to?"T-talaga" -yun na lang ang nasabi ko.
"And that girl was you" -biglang naninikip ang dibdib ko.
Hindi...
Nagbibiro ka lang diba."It's not a good joke" -sabi ko at kinuha ang bag ko at tumayo.
"Wait" -sabi mo at hinawakan ang kamay ko.
May kinuha ka sa bulsa mo.
Singsing...
Napatingin ako sayo,napalunok at biglang naggilid ang luha.
Wag please... Wag.
"Krystaline, I love you and..." -tumulo ang luha ko.
Hindi pwede to...
"Can you please be my girlfriend?"
At tuluyan ng umagos ang luha ko.
Biglang lumabas ang lahat ng emosyon ko.Xander...mahal na rin yata kita.
Tinago ko sa kamay mo ang singsing.
"Hindi ako karapat-dapat sa singsing mo.Hindi ako karapat-dapat sa pagmamahal mo. Hindi ako karapat-dapat na makasama mo at di ako karapat-dapat na piliin mo"
Im sorry.Im really sorry.
"Kung sasagutun kita, may taong masasaktan. At kasama na dun ang totoong taong mahal ko" - Nakita ko sa mata mo ang sakit.
Ang sama ko.Ang sama-sama ko.
Aalis na sana ko ng hinawakan mo ang kamay ko at hinarap sayo.
" Sabihin mong mahal mo ko. Sabihin mong tayo na lang Krys. Handa akong ipaglaban ka" -hinila ko ang kamay ko.
Umiling ako."Hindi kita mahal"
Tuluyan ng tumulo ang luha mo, nabitawan mo ang kamay ko.
"May boyfriend na ko, sya ang mahal ko.At ikaw,ikakasal ka na.Wag na nating paguluhin pa"
"Im sorry" -sabi ko at tumakbo palayo.
------------------------
Hindi pa ako nakakarecover sa sakit.Pero kailan kong sumipot sa date namin ni Justine.
-
Nasa harap ko na ngayon ang lalaking pinili ko."Ba't ka umabsent? Tsaka anong pag-uusapan natin? May problema ba?" - sunod-sunod kong tanong.
Pero ang mga sumunod mong sinabi ang magpapatameme sakin.
"Break na tayo"
Natahimik ako. Napakagat ako sa labi ko. Nagpipigil umiyak.
"B-Bakit?" -matigas kong tanong.
"May mahal akong iba"
"Buntis sya,ako ama"
Tumulo ang luha ko. Ang ganda kasi ng sagot mo. Sapul na sapol para mas lalong durugin ang basag ko na ng puso.
Ang sarap mong murahin.Pareho lang naman tayo eh. May mahal rin akong iba, ang pinagkaiba lang natin di ko pinili yung taong mahal ko.
Di ko napigilan ang sarili ko. Binuhos ko sayo ang isang baso ng tubig sa mesa.
"All this time? Niloloko mo lang pala ko? Ano ko? Just for fun?"
"Pinili kitang loko ka! Pero gagaguhin mo lang pala kong abnormal ka!. Ang sakit! Ang sakit-sakit" - sabi ko at kinuha ang bag ko at lumabas na.
Bakit ang tanga ko?
Ba't sakin nangyayari lahat ng to?
Doble ang sakit.
BINABASA MO ANG
Hoy! Ikaw!
Teen FictionHoy! Ikaw! Binago mo ang simple kong buhay. Ginulo mo ang tahimik kong love-life. [COMPLETED]