Hoy! Xander,
Nalaman kong badboy ka at may tinatagong kamanyakan pero-- marami pa pala kong di alam.
Pastora ang Tita ko,in-invite nya ko sa church nila na kumanta.Madanda raw kasi ang boses ko.Umoo ako kasi Bornagain rin naman ako.
Kaso di ko alam na ang dami pala ng tao at may kalakihan pala ang church.
Kinakabahan ako nun.Pero nagulat naman ako ng makita kita.Nagigitara ka pala at Bornagain ka pala.Kasama mo si Claire.Di ko tuloy maiwasang mainggit,hindi kay Claire,kundi yung may kasama kang nag sisimba,feeling mo safe na safe ka.Nanghihinayang tuloy ako sa dahilan ng break up namin ng ex ko.
Ikaw yung nagitara nung kumanta ko,sumsabay ka rin paminsan-minsan sakin.Ang gwapo pala ng boses mo? Lol
Nakangiti ka lang habang nagigitara pero di ka tumitingin sakin,ang cute rin pala ng dimples mo? Ay ano ba tong pinagsasabi ko!Pagkatapos nating kumanta lumapit agad sayo ang girlfriend mo at pinunasan ang noo mo.Ang PDA nyo ah,ang sarap nyong sungalngalin ng drumstick.Joke bitter lang.
-Kris
BINABASA MO ANG
Hoy! Ikaw!
أدب المراهقينHoy! Ikaw! Binago mo ang simple kong buhay. Ginulo mo ang tahimik kong love-life. [COMPLETED]