LBKKMG 21 - SisterZoned

9.5K 227 4
                                    

Eunice's POV

Nasa tambayan kami ngayon at naglulunch. Ewan nga, pero wala talaga akong ganang kumain.

"Ivan gusto mo? Baked cookies gawa ko yan" Alexa na nag alok nung cookies kay Ivan

Ang wierd nga ng babaeng ito. Simula nung naghiwalay sila ni Miko ay bigla nalang tong naging mabait kay Ivan.

"Ayoko niyan, baka lasunin mo lang ako" masungit na sagot ni Ivan

As always

"Ivan naman eh, sungit sungit mo talaga!" Saka nagpout si Alexa

Nagkatinginan naman si Alyanna at Andre. And from the looks? Alam na

"Hoy Alexa! Ba't si Ivan lang binibigyan mo? Ano toh? May special treatment?" Andre

"Oo nga! At Kelan kapa bumait kay Ivan ha? Ang wierd mo na talaga! Kung anong ikina bitter mo kay Miko yun naman kina sweet mo kay Ivan!" Alyanna

"Ha? Pag mag a-alok ng cookies sweet agad? Di ba pwedeng nagiging friendly lang" Saka yumuko si Alexa at umiwas ng tingin

Hmmmm I smell something fishy!

"Pffffffttttt" Alyanna at Andre na nagpipigil ng Tawa

"Hahaha tigilan mo nga yan Alexa! Di bagay sayo maging mabait!" Natatawang sabi ni Alyanna

"Oo nga! Hahaha! Lalo na kay Ivan! Asan na yung aso at pusa tandem niyo?" Pag sangayon ni Andre

Binigyan lang sila ng Death glare ni Alexa sabay sabi ng "Your so nakakainis na! Bagay talaga kayong dalawa, pareho kayong mahilig mang asar!"

Biglang nagkatinginan ulit si Alyanna at Andre, pero unang umiwas si Aly

"OMG OMG! Bestie your so namumula na! Your like a tomato na! Yieee" pang aasar ni Alexa

Haha ang bilis ni karma ah? Mukhang Si Alyanna naman ngayon ang iniinis

"Tumigil ka nga!" Sigaw ni Alyanna pero di padin siya pinansin ni Alexa at nagtuloy tuloy pa sa pangi-inis

"Andre andre! Is there any chance that you'll love Alyanna? Yieeee" Alexa

Aba! Ang tabil tabil na naman ng dila neto, patay ka talaga mamaya kay Alyanna!

Pasimple kong pinadaanan ng tingin si Alyanna. Hahaha ang pula pula na ng gaga! Wahahaha

"Oo naman"

Natigilan kaming lahat nung nagsalita si Andre. Pati Si Alexa natigil sa pagtawa.

"Ofcourse May chance na mahalin ko siya, kahit nga ngayon eh mahal ko na siya" Andre na ngumiti

OMG! Simula na ba ito ng YannDre Loveteam!? Wahahaha

"A-anong si-inabi m-o? M-mahal mo na a-ako?" Nauutal na tanong ni Alyanna

Ngumiti ulit si Andre sabay akbay kay Alyanna "Oo mahal kita Yanna" at tumingin siya samin, sakin? "Bilang kapatid"

WHAT THE HELL!? NO! NO!

Dahan dahan kong tinignan si Alyanna na naluluha na

"Ka-apatid?" Nauutal ding tanong ni Alexa

"Yes! She's like a sister to me, may masama ba doon?"

Mukhang nagtataka na si Andre. Haist. Mr. MANHID! Di mo ba nakikitang gusto ka ng bestfriend ko!? O baka nga mahal ka na niyan eh!"

Wala ng may nagsalita samin. So I decided to break the silence

"Alexa asan nga ulit yung cookies mo? Pahingi naman oh! Sarap sarap mo kaya mag bake! Ako nalang kakain! Dali" masigla kong sabi

"Ah e-eto oh!" Sabay abot ni Alexa nung Cookies sakin "Tayo nalang kumain" siya habang umu-upo sa tabi ko

Officially MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon