LBKKMG 22 - Bestfriends Date

11.8K 246 5
                                    

Eunice's POV

Andito ako ngayon sa mall sa luob ng botique ni Alyanna

Ewan ko ba sa dalawang toh! Parang mas excited pa ata kesa sakin para dun sa date namin ni Rain! Eh Alam ko namang nothing special lang yun eh, simpleng hang-out moment lang, gaya ng palati naming ginagawa ni Ulan nung Elementary at High School! At Yun lang yun!

"Hey bestie! which one do you think will make bagay to Eunice? This backless dress that perfectly fits on her body or this cocktail dress na one sided at hanggang above the knees niya lang?" Tanong ni Alexa kay Alyanna

"Hmmm siguro kailangan niyang magsuot nitong long gown designed dress kasi baka dalhin siya ni Rain sa isang Fancy Resto diba? Tama lang yan para hindi siya ma out of place" sagot naman ni Aly

Sige guys! Mag usap lang kayo diyan na parang wala ako dito ha? Maganda yan! (*insert sacrasm*) -______-

"Lets ask Eunice" sabay harap nilang dalawa sakin "Alin ba mas gusto mo dito?" Tanong ni Alyanna

"Buti naman at naisipan niyo pang itanong kung ano ang gusto ko! Eiiiii sabi ko naman kasi sainyo diba, na yung white pants nalang tsaka blouse na yun oh!" sabay turo ko sa white pants at blue blouse na naka display sa gilid "Hindi naman talaga ako comfortable sa mga dress na yan eh!" Pagmamaktol ko

"Bestie naman! You need to make paganda on your first Date! Hindi pwedeng yun yung isusuot mo! Eh para kalang ata niyan maglalakad sa park or mall! Panget tignan" sabi ni Alexa saka nag pout pa

"Yeah she's right. Especially at si Rain pa yung ka date mo. You need to look Ellegant! You need to look special para sa mga mata niya" pag sang-ayon ni Alyanna kay Alexa

"Special? Ellegant? Ano yun? Nakakain ba yun?" Pamimilosopo ko

Kaya ayun, nakatanggap lang naman ako ng dalawang batok galing sa dalawang amazona na toh

"Eii kasi naman! Kahit anong pagpapaganda o pag-aayos ko! Panget pa din ako! Tsaka isa pa, never akong magmumukhang special sa mga mata ni Rain dahil alam nating tatlo kung sino ang tunay na special para sa kaniya, at si Trixie yun!" Pagmamaktol ko "Kaya please? Yung simple nalang yung ipasuot niyo sakin. Less hassle pa"

Nagkatinginan muna silang dalawa ni Alexa at Alyanna sabay bumuntong hininga

"Okay Fine! You win. Ipapasuot lang namin yung pants at blouse sayo but on one condition" mataray na sabi ni Alyanna

Tong dalawang toh! May pa condi-condition pang nalalaman! Mag a-agree na ngalang ako para hindi na humaba ang usapan. Nakakapagod nadin eh

"Shoot" tipid kong sagot

"WE'RE GONNA TAKE YOU OUT FOR A MAKE OVER! YIEEEEEEEEEE" sabay na sabi ni Alyanna at Alexa

Literal naman na nanlaki yung mga mata ko. Make-over? Isa sa mga bagay na pinaka ayaw ko! Ayokong inaayusan ako, ayoko sa mga make-up at lipstick! For short? AYOKO SA MAKE-OVER! Waaaaaaaaaah!

"NO NO NO! You two are definitely not talking me into a make-over! It's a big No No!" Pagtutol ko sabay shake pa nung mga kamay ko

Nagcross arms si Alexa sabay sabi "Kung hindi madadaan sa mabuting usapan, Edi idaan nalang sa marahas na paraan! The Alexa and Alyanna way!"

Tinaasan ko lang sila ng kilay

And the next thing I knew? Si Alexa nakahawak sa kaliwang braso ko at si Alyanna nakahawak naman sa kanang braso ko sabahay hila nila sakin palabas nung botique. Narinig ko pa ngang sumigaw si Alyanna sa isang sales lady

"Ireserve niyo yang white pants at blouse! Babalikan namin yan mamaya!" Utos niya

Juicecolored! Nakakahiya yung itchura ko ngayon! Nagsisigaw habang kinakaladkad nila Aly at Alexa. Andami ngang tao na nakatingin samin eh! Para tuloy akong baliw na hinuhuli ng mental! Waaaaaaaaah!

Officially MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon