Epilogue

11.4K 230 66
                                    

Eunice's POV



Andito kaming buong barkada sa isang resort. Nag-aya kasi ako na magbonding kami ulit tsaka parang despedida nadin kasi babalik na naman akong Korea for school. Sadiyang yung monthsary lang talaga namin ni Rain yung inuwi ko dito.



"Daaaaaddiiiii. Come on baby say Daaaaadiiiiii" pamimilit ni Andre dun sa bantang karga karga niya



"Babe! Ano kaba naman.. One year old palang yang anak natin.. Hindi pa yan maayos magsalita. Wag mo ngang pinipilit" saway ni Alyanna sabay lapit sa mag-ama niyang nakaupo sa buhangin



"Eiii bakit ikaw tinatawag niya nang mama!?"



"Aba malay ko. Baka mas mahal lang talaga ako ng anak ko kesa sayo" halata kay Alyanna na ina-asar lang niya si Andre



"Sus. Itapon ko pa itong batang toh sa dagat eh"



"Subukan mo lang Andre! Sinisigurado ko at hindi kana masisikatan ng araw!" Pagbabanta ni Alyanna



"Joke lang..." saka nilagay ni Andre yung isang kamay niya sa balikat ni Alyanna tas yung isang kamay niya eh nakahawak sa baby nila "Alam mo namang mahal na mahal ko kayo ng baby natin diba? I'll do anything para protektahan kayo.."



"We love you too Daddy Andre" Nakangiting sabi ni Alyanna sa asawa niya.



Oo at kasal na sila ni Alyanna. A few days after graduation eh nagpakasal na sila agad. Ata't lang noh? Haha



"D-ddd-aa-da. Dada!" Bulol na pagkakasabi nung bata pero sakto na para mapalundag si Andre sa sobrang tuwa



"Narinig mo yun babe? Tinawag niya akong daddy! Ang galing kahit na bulol pa yung anak natin!" Makikita mo talaga kung gaano ka saya si Andre. Para siyang bata na nakakuha ng star.



"Oo nga!" Nakisakay nalang din si Alyanna



"Dada!" Ulit nung bata



Nakakatuwa lang silang tignan..



The first thing I learned about love? Is that..



Love can be learned.



At sina Alyanna at Andre ang patunay niyan.. Gaya lang ng nangyari sa storya nila..



People might say na hindi natutunan ang pagmamahal. Hindi yan nagdedevelope. But you're wrong.. Para lang kasing project yan eh, kapag nagporsiga ka, in no time maabot mo yung deadline.. Gaya lang sa love, kapag yang taong yan ay siyang tinuunan mo lagi ng pansin, hindi mo na mamamalayan that you're slowly falling for that person.



Si Alyanna? Hindi madali ang naging situation niya. Minahal niya yung taong kapatid lang ang tingin sa kaniya.. But because of that night, nagbago ang lahat.. Oo, aaminin ko na nung una awa lang talaga at pagkaguilty yung nakita ko kay Andre kaya hinabol niya si Alyanna that time sa airport.. Saksi ako kung paano nahirapang mag adjust silang dalawa pero they passed through it. And now look, sila pa yung unang nakabuo ng masayang pamilya sa barkada..



So that really proves that love can be learned. Love can grow and be developed.



Hindi naman ganon kasama yung naging resulta diba? Tignan niyo si Andre at Alyanna, masayang-masaya sila ngayon, duon sila dinala ng pagmamahal na yan.. towards their happiness..



Officially MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon