LBKKMG 24 - Surprise

10.3K 213 14
                                    

Eunice's POV

"Hoy gising! Anong oras na at nakahiga kapa diyan!? Litanya ko kay Rain habang niyuyugyug yung katawan niya sa kama "tulog mantika ka talaga kahit kailan!"

"Ano ba... Mamaya na... Inaantok pa ako... Anong oras na tayong nakauwi kagabi eh..." sabi niya habang nakapikit pa yung mga mata

Haiiist! Ang hirap namang gisingin ng Ulan na toh!

"Hoy Rain! Na iinis na ako ah, tsaka may lakad pa ako! Pag di kapa gumising diyan, hindi na kita tutulungan dun sa surpise mo para kay Trixie!" singhal ko

Agad- agad namang napamulat si Rain nung narinig niya yung panggalan ni Trixie

"Eto na nga oh! Gising na ako!" Mapungay na sambit ni Rain

Eiii kahit bagong gising ang gwapo gwapo padin ng bestfriend ko! Waaaaah! Erase Eunice!

"Ano ba kasi yun? Ang aga aga mo namang mambulabog ng tulog" reklamo ni Rain

Binatukan ko nga siya "Eolgan-i! Anong maaga!? Eh 10:00 am na kaya!"

"So kapag 10:00 am eh kailangang mamatok ka?" pambabara ni Rain "just go straight to the point"

"Fine!" Saka ako may kinuhang papel at iniabot sa kaniya "I just wanted to give you this"

Halata naman yung curiousness sa mukha ni Rain "Ano toh?" saka niya kinuha yung papel

"Just Read it!"

Napakamot sa batok niya si Rain pero binasa din naman ito

"Simpleng Tulad Mo by Daniel Padilla?"

"Uh-huh" tumango tango pa ako "i-memorize mo yan ngayon ah? Kailangan pagbalik ko mamayang mga 5 or 6 pm eh kabisado mo na yung kanta"

Napakunot nuo naman si Rain "Seriously? So this is your plan!? Ang pagmukmukin ako dito sa bahay leaving a paper with a lyrics on it!? Kung tutuusin, pwede naman akong lumabas at maghanda para dun sa surprise ah?"

"Yaaah! Kala ko ba hindi ka magrereklamo sa mga ipapagawa ko!? And regarding to your surprise?" Saka ako tumayo dun sa harapan ni Rain "Eh kaya nga ako nakabihis na kasi po aayusin ko pa yung set up sa school! Diba sabi ko sayo, ako na ang bahala sa lahat! So all you have to do is just sit, memorize, and relax!"

"But-"

"No But's Rain! Make sure na pagbalik ko eh kabisado mo na yang kantang ah? Kung hindi, ipapatuklaw kita sa ahas! Arasso? Ge alis na ako"

At lumabas na ako dun sa kwarto ni Rain. Haiist. Ang dami ko pang gagawin ngayon. Kelangan ko pang puntahan yung flower shop, tapos kailangan ko pang ayusin yung stage dun sa field ng school, pati yung designs and stuff. At yung helicopter na gagamitin!  Tapos kailangan ko pang maghanap ng banda para tumugtog! Waaaah! Kung hindi lang talaga kita bestfriend Rain...

Hindi ko din naman sinabi itong plano kina Alyanna kasi siguradong hindi papayag yung mga yun na tulungan ko sa panliligaw si Rain. Haiist! Bahala na si Batman!

Una kong pinuntahan eh yung flower shop.

"Goodmorning Ma'am" bati sakin nung gaurd pagkapasok ko

Tapos may sumalubong din sakin na isang babae "Good Day Ma'am, what can I do for you?"

Inikot ikot ko naman yung paningin dun sa shop. Ang gaganda nga nung mga bulaklak eh, different kind and different colors.

"Uhmm Ate? Can I talk to your Manager?" tanong ko

"Sure. This way Ma'am" saka kami pumasok dun sa isang mini office

"Manager, may gusto pong kumausap sa inyo" sabi ni Ate

Officially MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon