CHAPTER 20
KLYMENE
"YOU KNOW WHAT? I don't understand you. You should please me to like you or at least favor you so you can get through my properties and money."
Binaba ko ang bag sa sofa bago hinarap si Matthias na nasa likod ko at kung ano ano ang sinasabi.
"Hindi ko kailangan ng property or pera mo. At kung kailangan ko man, hindi ko na kailangang utuin ka dahil tignan mo, ikaw ang kusang nagbibigay sakin."
"And you should be happy, right? You're gold digging and you should be happy and thankful at the same time. Why do you look so unhappy and unsatisfied? Why? Nakukulangan ka ba?"
Bumuntong hininga ako.
"Kung nakukulangan ako, ano naman sayo?" Dumilim ang tingin niya sakin. "Mapupunan mo ba? Mabibigyan mo ba ako ng higit pa?"
Nanatili ang madilim niyang tingin sakin at mistulang tinitimbang ang sinabi ko.
"Don't try me. I can afford everything,"
Humalukipkip ako. "Hindi ba maruming babae ang tingin mo sakin? Bakit willing kang gumastos para sakin? Hindi ba dapat pinagdadamutan mo 'ko at hindi yung bigay ka nang bigay sakin?" Takang tanong ko.
Hindi ko na kasi maintindihan, e. Noong una pinamili niya ako ng mga damit at kung ano ano tapos binibigay niya sakin ang card niya para bilhin ang mga gusto ko at binilhan niya rin ako ng kotse.
"Oh, it is because I want you to be satisfied immediately so I could dump you already," Natigilan ako sa sinabi nito. "I'm getting sick to see you everyday here in my freaking house."
Padabog niyang binaba ang mga pagkain na binili ko kanina para samin.
Mariin akong lumunok para makasagot pa. "Kung gano'n, bakit sinasamahan mo pa ako sa trabaho? Dapat hinahayaan mo na lang ako! Wala lang dapat sayo kahit mag-taxi ako sa gitna ng gabi."
He chuckled. "You're saying this because?"
Kumunot ang noo ko dahil hindi ko maintindihan kung para saan ang sinabi niyang 'yon.
"Anong sinasabi mo?"
"Right... of course, you'll act innocent. I'll just pretend I'm not aware that you're arguing with me now because you want to get rid of me at your work cuz you're going to see that man earlier, right?"
Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya.
Sinasabi niya bang manlalalaki ako or what kaya ayaw ko siyang isama?!
"Huwag mo ngang binabato sakin ang mga gawain mo!" Hindi ko na napigilang mag-taas ng boses.
"Stop being so indenial. It's making me sick," He smirked sarcastically.
"Hindi ako indenial. E, anong magagawa ko kung hindi mo 'ko katulad?" Pakiramdam ko gusto ko na siyang suntukin na lang bigla sa sobrang inis ko. "Teka, bakit ba sobrang affected ka? Ano naman sayo kung sakaling gano'n nga?"
Nag-dilim muli ang tingin niya sakin. "So, you're admitting it, huh? Well, people are aware about who you are now. You're my wife and I don't want them to know that you're freaking doing something behind my back. I'm sure you and that ugly guy are clumsy. Ayokong napapahiya ako, Klymene,"
Mahina akong natawa sa huli niyang sinabi.
"Oo nga pala. Kaya mo nga pala ako pinakasalan. Dahil kung hindi mo 'ko pinakasalan, siguro akong alam na ng mundo ang tungkol sa sex video natin."
"Yeah. Pinikot mo 'ko, you remember?"
Tumango na lang ako para matapos na.
"Tss."
YOU ARE READING
The One Night Order
Romance[ Hurricane Cousins : Matthias Rivera ] "I hate how innocent your face is. Para bang hindi gagawa ng hindi maganda. But the truth is you're a two faced witch." - Matthias Rivera Klymene Velasco's family has a lot of debt to different people and one...