CHAPTER 37
KLYMENE
HINDI AKO nakakilos. Nanatili lang ang tingin ko sa picture na pinadala niya sakin. Na-blangko ang isip ko. Pakiramdam ko, lahat ng inaral ko kanina, nawala lang bigla lahat dahil sa isang picture.
It's clearer than water what's happening. He's cheating on me and he's letting me know about it. He even sent me a fucking picture of him cuddling with his other woman.
Nabitawan ko ang phone ko pagkatapos ng ilang minuto na pagkakatulala. Bumuhos ang luha ko na hindi ko alam kung saan nanggaling dahil hindi ko akalaing may iluluha pa pala ako pagkatapos ng lahat ng ginawa niya sakin.
Magdamag akong gising at umiiyak.
Nang mag 3AM ay tsaka lang ako bumalik sa paggawa ng PowerPoint. Halos hindi ko makita ang ginagawa ko dahil sa mga luhang nasa mga mata ko.
I forced myself to finish the PowerPoint and sleep after. Hindi agad ako nakatulog dahil hindi maalis sa isip ko ang itsura nila.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na tulog pero alam kong kahit papaano naman ay nakatulog ako. Maaga rin akong nagising kahit pakiramdam ko, pagod na pagod ako.
Lumabas ako ng kwarto pagkatapos kong mag-ayos.
"Oh, Klymene!" Gulat na gulat si Papa nang makita ako.
Ngumiti ako sakanya na para bang hindi ako magdamag na umiyak kagabi.
"Morning, Pa," Humalik ako sakanya.
"Anong ginagawa mo rito, anak?" Bakas parin sa mga mata niya ang gulat.
Hindi ako nakasagot sakanya dahil hindi ako nakapag handa ng irarason.
"May problema ba?"
Pinagtimpla ko si Papa ng kape katulad ng lagi kong ginagawa noon. Hindi ko alam pero gusto kong umiyak sa ginagawa ko ngayon. Gusto ko nang umuwi rito. Ayaw ko nang bumalik kay Matthias.
"Nagka-tampuhan lang po kami ni Matthias kagabi, Pa." Nilapag ko ang kape sa lamesa. "Pero uuwi na rin po ako kasi nag text siya. Umuwi na raw ako p-para pag-usapan yung away namin." I smiled at him.
Bumuntong hininga si Papa at pinaupo ako.
"Hija, ganyan talaga sa buhay mag-asawa. May mga pag-aaway na hindi niyo maiiwasan at ako na ang nagsasabi sayo, normal lang ang lahat ng 'yon, anak. Maayos niyo rin ang problema niyo ngayon." He caressed my hand.
Papa looks happy that I am married with Matthias. Masaya siya dahil alam niyang maginhawa ang buhay ko. Hindi ko tuloy alam ang sasabihin ko sakanya kapag sinabi kong makikipag hiwalay na ako sa asawa ko.
"Opo..." Wala na akong ibang maisagot pa sakanya.
"Pero ito ang tatandaan mo, anak. Kapag tingin mo ay hindi mo na kaya at kung sobra na, huwag mo nang ipilit pa, anak. Mas maganda ang tinatapos agad habang maaga pa. Mas mababaw lang ang sugat ng mga tinatapos agad kesa sa mga pinapatagal pa."
I know. That's why I am ending what's between me and Matthias. Hindi na ako aasa pa. At ayaw ko na rin.
"Hindi ka naman siguro niloloko ng asawa mo?" Nagulat ako sa tinanong ni Papa. "Mayaman ang asawa mo, Klymene. Alam mo ang takbo ng isip ng mga mayayaman. Kung niloloko ka niya, iwanan mo na, anak. Walang lalaking nagmamahal ang nagloloko kahit ano pa mang dahilan. Isa pa, wala pa naman kayong anak."
Hindi ko alam kung bakit bumuhos ang luha ko sa sinabi ni Papa.
Mabisyo si Papa noon. Puro sugal at halos mamatay ako sa kakatrabaho ngunit kahit kailan, hindi niya niloko si Mama.
YOU ARE READING
The One Night Order
Romance[ Hurricane Cousins : Matthias Rivera ] "I hate how innocent your face is. Para bang hindi gagawa ng hindi maganda. But the truth is you're a two faced witch." - Matthias Rivera Klymene Velasco's family has a lot of debt to different people and one...