CHAPTER 21
KLYMENE
"CUTE CUTE MO, 'no?" Pinisil ko ang pisngi ni Feyre na ngayon ay buhat buhat ko at titig na titig sakin. Ngumiti siya sa ginawa kong pag pisil sa pisngi niya.
Today is the day kung kailan ang party para sa pagdating ng Lolo sa tuhod ni Matthias. Nandito ako sa bahay nina Ate Phamela habang nando'n naman si Matthias sa pool area rito rin at kausap si Kuya Spiro.
Pumunta na rin kami sa bahay nila and katulad noon, casual parin naman ang trato nila sakin. Okay na 'ko ro'n at nagpapasalamat na rin.
"Bagay sayong may hawak na baby, Kly." Dumating si Ate Phamela na dala dala ang kurbata ni Skyros.
Natanaw ko naman si Skyros na naka-suit din at mukhang ready na. Lumapit agad ito sa mama niya para magpa-suot ng kurbata.
"Bagay sakin si Feyre? Akin na lang kaya siya?" Natatawang sabi ko bago hinalikan ang noo ng baby.
"Ay, hindi pwede! Loka loka ka, 'no? Gumawa na lang kayo ng baby ni Matthias para hindi mo naiisip na kunin ang bunso ko," Bulyaw ni Ate Phamela habang masuyong sinusuot kay Sky yung kurbata.
Tumawa ako ulit. "Hindi pwede. Mag-aaral pa 'ko next school year,"
Malungkot kong tinignan ang baby na hawak ko.
Hindi ideal ang marriage na meron kami ni Matthias. Alam ko at alam din niya na hindi kami tatagal. Na maghihiwalay din kami pero hindi ko naman sinasara ang mga pinto para magkaro'n ng anak.
Akala ko noon hindi ako handa sa baby pero ngayong napapalibutan ako ng mga baby, gusto ko na rin. Hindi ko nga lang alam kung kay Matthias.
Kasi... hindi ko na rin nakikita ang sarili kong kinakasal sa iba. I mean, after nitong samin ni Matthias, siguradong hindi ko na gugustuhing magpakasal. Siguro anak na lang.
At kung... magkakaro'n man ako ng anak kay Matthias, hindi na masama. Ipapaintindi ko sa bata na may mga pamilyang hindi naman talaga laging magkasama at kami 'yon.
Nagkibit balikat si Ate Phamela. "Sabagay. Makakapag-hintay ang pagbuo ng pamilya. Unahin mo muna ang pangarap mo," She smiled genuinely.
Saglit na tumingin ako kay Sky. "Ilang taon ka nang dumating si Sky?"
She chuckled. "Eighteen." Napatango ako sa sinabi niya. "I was young and so in love with Spiro. Hindi naman planado itong panganay ko, biglaan na lang dumating, e. I was chasing my dreams that time. Nag-aaral pa 'ko, but of course I had to choose Skyros, cuz he needs me more. Hindi naman ako nagsisi. Ang pogi kaya ng baby ko,"
Hinalikan niya ang pisngi ni Skyros na agad naman kinangiwi ni Sky pero pilit parin ngumingiti para hindi mapahiya ang nanay niya.
"Punta lang po ako kila Papa, Ma." Paalam ni Sky bago umalis sa harap namin.
Kinuha naman sakin ni Ate Phamela si Feyre. Serine's with her dad. Lagi naman itong buhat ni Kuya Spiro.
"Wala ka bang ibang gustong gawin maliban sa pagte-teacher?" Ate Phamela asked bago nilagyan ng pacifier si Feyre.
Nanulis ang nguso ko at biglang napaisip. Pero ewan ko ba! Pumasok sa isip ko yung ginawa sakin ni Matthias sa kwarto ko. Yung pribadong parte ng katawan niya na hinahagod niya sa dibdib ko nang paulit ulit hanggang sa matapos siya.
Bumaba tuloy ang tingin ko sa dibdib ko. May kalakihan nga 'yon.
"Parang bagay ako sa FHM," Humalakhak ako sa sariling sinabi.
Hindi naman seryoso 'yon. Wala akong balak mag-modelo. Hindi ko rin nakikita ang sarili kong nagpo-pose para sa mga picture lalo na kung medyo sexy. Awkward din kasi ako sa mga pictures.
YOU ARE READING
The One Night Order
Romance[ Hurricane Cousins : Matthias Rivera ] "I hate how innocent your face is. Para bang hindi gagawa ng hindi maganda. But the truth is you're a two faced witch." - Matthias Rivera Klymene Velasco's family has a lot of debt to different people and one...