Nathania point of view
Pinagmamasdan siyang tulog habang ang puso ko kanina pa kabado dahil sa matinding pag-aalala ko sa kaniya.
Muli ay ipinatong ko ang aking palad sa noo niya ngunit ganon parin ang taas parin ng lagnat niya.Napakagat ako sa labi ko bago hinawakan ang palad niya.
Bumuntong hininga ang pinakawalan ko at inilagay ko sa aking pisngi ang kamay niya bago tingnan ng nag-aalala si demon.
" O-okay na nga tayo tsaka kapa magkakaroon ng lagnat ng ganyang kataas! " mahinang boses kong sambit.
" Magpagaling kana p-please,may sasabihin ako sayo,sana mapatawad mo ako dahil nagsinungaling ako! "napangiti ako ng mapait ng maalala ang mga nagawa kong pagsisinungaling,nag imbento ako ng maling kwento tskk ang sama ko!
Gumagabi narin kaya nahiga na ako sa tabi niya,kanina pa siya tulog.Kakatapos kona rin punasan ang katawan niya.
Humarap ako at pinagmasdan ang gwapo niyang mukha,maging sa hininga niya ramdam ko ang matinding pag-iinit.
Saglit na napatingin ako labi niya na mapula, " uhmm i-it's cold! " humahalinghing nitong bulong bago humarap sakin.
Napakagat labi ako ng sumalubong nito ang asul niyang mga mata,papikit pikit pa ito na halatang gusto pang matulog. " Wife p-please hug me it's very cold! " giniginaw nitong sambit.Halata sa boses niya ang pangangatal.
Naawa ko siyang tiningnan bago siya niyakap. " Matulog kana ulit dito lang ako sa tabi mo! " sa di inaasahang pagkakataon ngumiti siya.
At talagang makukuha pa niyang ngumiti kahit halatang sumusubra na ang lagnat niya. Nakakamangha talaga ang isang Cervantes!
" T-there is only one medicine for my fever" kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kaniya.
"A-ano naman iyon?" nagtatakang tanong ko peru ngumiti lang siya.
"kiss me on the lips" bahagya nitong itinuro ang labi niya.
Tumikhim ako at agad siyang hinalikan na agad naman niyang tinugunan. "Sana epektibo.Magpagaling ka! " ngumiti siya at niyakap ako.
Damang dama ko ang nag-uumapoy niyang balat,di ako mapapalagay kapag ganito siya kainit.
" don't worry wife I will recover quickly because my wife is good at taking care of me." mahina niyang sambit at magaan na hinalikan ang pisngi ko.
Dahil sa sinabi niya hindi ko maiwasang mapangiti.Akalain mo nga naman ang dali kong mapangiti kapag maayos ang samahan namin.
Ipinagdarasal ko na sana tuloy-tuloy na ito.Wala na sanang magluluko sa pagitan namin.Ang ipinagtataka ko lang ay kung nasaan na si kyla.
Kapag naiisip ko ang bsbaeng iyon di parin talaga maalis sakin ang malungkot.Buntis si kyla at siya ang ama,parang hindi ko kaya iyon!
Sabihin na natin na ako ang mahal ni demon at legal kaming kasal.Ipaglalaban niya ako ngunit may responsibilidad parin si demon sa batang dinadala ni kyla ngayon.
Ayaw kong may kahati.Ayaw kong may kaagaw sa atensyon ni demon.Gusto ko sakin lang at sa anak lang namin nakatuon ang atensyon niya.
Peru paano naman ang magiging anak nila ni kyla? Alam kong mangangailangan din iyon ng ama!
Napatingin ako kay demon na ngayon ay tulog na, nakayakap ito sakin habang nakapako ang ulo niya sa leeg ko,napasinghap ako ng may kumawalang luha sa mata ko.
Bakit kailangan pa niyang bumuntis? Bakit kailangan pa niyang humanap ng iba?
Ang hirap kapag may kaagaw ka! sana kahit anong mangyari ang demon na kasama ko ngayon ay tuluyan ng nagbago,dahil oo may posibilidad na magbago siya kapag nagkataon na naganak na ang babae niya, paniguradong bibisita parin siya at magkakasama sila ng kyla na iyon.
YOU ARE READING
MY KIDNAPPER'S OBSESSION(COMPLETED)
Roman d'amourHer beauty will destroy her. Nathania Samonte is a woman blessed with a beautiful face and even her body is perfect.Nang dahil kagandahan ay malalagay siya sa panganib. All the men admire her beauty, all the men lust after her. She is just a simple...