***
ATHENA POV
Kakatapos ko lang magpalit ng pants. Buti na lang lagi akong may dalang extra na dalawang pants. Naglalaro kasi ako ng volleyball. Dati yun kasi hindi pa madalas sumakit yung dibdib ko nun tska varsity player din kasi ako nun. Pero ngayon nakikilaro laro na lang ako sa mga ka-player ko dati. Grabe nakakamiss yung mga ginagawa ko dati. Bakit kasi chambahan pag sumakit tong dibdib ko. Nakakairita. Di ko tuloy magawa yung mga gusto ko. Haayy nako. Tulad na lang kanina. Nag-collapse pa ako. Umeksena pa tuloy ako sa mga tao dun. Kala nila arte lang. Sh*t Happens talaga. Unfortunately, sakin nangyari. Badtrip talaga. (=_=")
Paglabas ko ng cr, andun pa si Blue. Inaantay ba nya ako? Talaga lang ha? Pero bakit naman?
"Bat ang tagal mo?" Aba? Ayos to ah. Kala mo kung sino sya. Ang taray pa kung makapagtanong. Di ko naman sinabi na mag-antay sya akin ah. Buset! Yan na naman tong taong to eeh. Mang-iinis na naman eh. (-__-)
Bat parang biglang ang sakit ng ulo ko? Pag tingin ko kay Blue bigla syang lumapit sakin tapos hinawakan yung noo. Para syang napaso... Sobrang init ko ba? Hindi ko alam eh. Basta feeling ko nanghihina na ako. Biglang tinawag ni Blue si Ms. Hershey. Ang tamis ng name nya noh? Maganda pa. Sya yung magandang nurse ng campus namin.
"Ate Nurse si Athena po mainit!" Natatarantang tawag ni Blue. Bat ba sya nag-alala bigla sakin? Bigla sya naging mabait sakin. Nakain nito?
"Hala? Ang taas ng lagnat nya. Dito ka lang ha kukuha ako ng gamot nya tapos ipapaalam ko sya sa adviser nya okay? Bantayan mo syang mabuti ha. Babalik ako kaagad." Sabi nya kay Blue. Pumunta si Ate Hershey sa harap para kumuha ng gamot tapos pinainom nya na ako saka nagpunta na sa adviser ko.
"B-blue.. O-okay na ako. P-pwede mo na kong iwan dito. B-baka naabala pa kita." Pilit kong salita. Nakakahiya naman na kasi kung sya pa magbabantay sakin eh.
CZYTASZ
Soulmates By Chance
RomansSorry for the lame story. I'm just a beginner in writing a story. So please bear with me. 😂