Chapter 4

12 0 0
                                    

XAVIER POV




Maaga akong pumasok sa school. Dun na kasi kami magkikita ni Maigne. Nandun na din kaya si Athena? Gusto ko sya makita para makapag'sorry ako sa kanya. Mga ilang minuto pa nasa school na ako. Papunta na ko sa room namin.




***


From: Maigne <3


Baby I'm here na sa classroom natin. Hurry. I want to see you na. I love you! :* :*



***



Kakatext lang sakin ni Maigne. Ang sweet nya talaga. Di katulad ni Athena dati na puro aral lang yung inatupag, wala na syang time sakin. Hay Athena. Andun na siguro sya sa room namin. Malapit na ko tapos nakita ko na agad si Maigne.






"Baby I miss you so much! Mwuah! :* :*" Niyakap nya ako tapos hinalikan. Pinagtitinginan na kami ng mga classmates namin. Nakita din kaya ni Athena? Sana hindi para di na sya masaktan. Pero nung pumunta na ko sa upuan ko tinignan ko si Athena. As usual nagbabasa sya ng libro. Hobby nya yun eh. Sobrang ma-aral sya.





Lalapitan ko sana sya kaso dumating na yung teacher namin kaya umupo na ako. Nagdiscuss lang naman ng rules and regulations tska nya na kami dinismiss. Nauna na si Athena sa cafeteria. Gutom na siguro sya. Hahaha. Nakakamiss din sya.






"Baby ang tagal mo. Wag ka na magpaganda jan." Medyo irita kong sabi kay Maigne. Kasi naman yan na naman yung kaartehan nya eh. Hay nako mga babae talaga.






"Im done baby. Come on. Im hungry." Sabi nya sakin na nagpacute at humawak na sa braso ko. Pag pasok namin sa cafeteria nakita ko na parang paalis na si Athena at may kausap syang lalaki pero di nya pinapansin kasi nakatingin sya samin. Nagulat na lang ako nung bigla syang hinalikan nung lalake. Sana ako na lang yung lalaking yun. :'( :'(





Nakamove on na ba talaga si Athena? Boyfriend nya ba yung lalaking humalik sa kanya? Teka, ano pa bang paki ko? Bakit ba ko nagseselos? Mahal ko pa din ba sya? Haayy. Hindi ko alam.





Bumili na kami ng pagkain ni Maigne.




"Baby anong gusto mong kainin? Yung favorite mo ba? Yung chocolate shake, cookies tska black forest cake?" Tanong ko sa kanya pero tinignan nya lang ako na parang gulat at naiinis. Bakit kaya?





"Hello?! Baby that's not my favorite. That's Athena's favorite! Patatabain mo ba ako?!" Sabi nya sakin nang pagalit. Oo nga pala, si Athena ang my favorite nun. Bat ko ba iniisip si Athena? Ano ba tong nasa utak ko.





"I'm sorry baby. Pasensya ka na. So ano bang gusto mo?" Tanong ko sa kanya pero irita pa din sya sakin.







"Kahit ano baby basta wag lang yung favorite ni Athena, Okay? Hanap na ko upuan natin." Sagot nya tapos nagpout lang sya. Nasaktan ko din sya siguro. Di ko naman sinasadya yun eh. Nakabili na ko tapos nung papunta na ko dun sa upuan namin nakita ko si Athena biglang nag-collapse. Ano kayang nangyari sa kanya? Baka sumakit na naman yung dibdib nya?




Tatakbuhin ko sana sya kaso hinawakan ni Maigne ng mahigpit yung braso ko. Nakatayo ako habang tinitignan ko yung lalaki na buhat si Athena. Bakit parang nagseselos pa din ako? Dahil ba sa pinigilan ako ni Maigne o dahil nagseselos ako kasi hindi ako yung bumuhat sa kanya? Bakit ko ba iniisip to eh may girlfriend na ko. Umupo na lang ako tapos inaya ko nang kumain si Maigne.





Soulmates By ChanceWhere stories live. Discover now