Chapter 6

8 0 0
                                    

ATHENA POV


After nung nangyari sa cafeteria yung buhay ko parang biglang nagbago. From simple to complicated, real quick. Kasi naman eh simula nung nangyari dun sa cafeteria kami na pala laman ng balita sa school, be it positive and negative. Hay nako. Mga tao talaga judgmental masyado. Mema'pag-usapan lang talaga eh. Habang naglalakad ako sa corridor ng school nakita ko na naman si Xavier at Maigne. Ay nako heart unahan na kita. Wag kang sasakit please lang?


Narinig ko yung mga schoolmates namin nagbubulungan.


Girl 1: "Kawawa naman si Athena. Para syang pinagtulungan nung bestfriend at boyfriend nya."

Girl 2: "Hmm. Bagay lang yan sa kanya. Malandi kasi sya eh. Di ba nga ang sabi sabi may bago na daw syang boyfriend? Yung bagong transfer dito na pogi."


Ano?! Yung ugok na yun boyfriend ko?! Duh?! Sino bang nagpakalat nun at nang mapagsabihan. Nakakairita ha.

Malapit na ko sa room nang makita ko si Blue na andun sa may tabi pinto ng room namin. Nakasandal pa ha. Kapal talaga. Kala mo pogi talaga.


"Bat di mapinta yang mukha mo?" Sabi nya.

"Kasi nakita kita kaya ganto mukha ko." Napatakip ako sa bibig ko nung narealize ko na sinabi ko sa kanya un. Luh?! Bat bigla lumabas sa bibig ko yun? Ay teka. Bat ba ako nag aalala sa sinabi ko?

"Talaga? Eh bat namumula yang mukha mo? Kinikilig ka noh? HAHAHAHAHA!" Ang kapal talaga ng mukha neto. Pero totoo nga. Bat kaya ang init ng mukha ko? Magkakasakit na naman ba ako? Lagi na lang ako nagkakasakit. Ayaw ko na sa Earth. :'(


Nag-ring na yung bell ng school. Pumunta na kami sa mga room namin. Nabigla ako kasi may humila sa braso ko. "Antayin kita sa cafeteria mamaya ha. Sabay tayo mag-lunch." Sabay ngiti ng sweet. Ano bang nakain netong taong to? Biglang naging mabait sakin. Di na lang ako nag-salita.

May bigla na namang humila sa braso ko. Ano ba? Kawawa na yung braso ko. T_T Pag harap ko si Xavier. Di ko maintindihan yung mukha nya. Parang galit.Tapos parang naiiyak. Tapos parang nagseselos na ewan. Ay ang gulo. (=_=)

"Xavier" Yun na lang nasabi ko eh. "Athena" Ano? Magsasabihan na lang ba tayo ng pangalan dito? Shet. Yung puso ko kumikirot na naman. Pakibilisan kung ano yung sasabihin. Nako naman. =_= Tinitignan ko lang sya. Bat anyare sa kanya? Napipi bigla?

"Totoo ba yung mga balita na boyfriend mo yung Blue na yon?!" Bat parang galit sya sakin? Ano bang paki nya? Siya na nga nakipaghiwalay sakin sya pa galit?! Bat ang kakapal ng mga tao ngayon? Nakastress ah. Di ko alam yung isasagot ko. Gusto ko nang makamove on sa kanila pero gusto ko din sabihin yung totoo kahit na masakit. Tama nga siguro si Blue, masokista nga siguro ako. Magsasalita na sana ako nung biglang may umakbay sa balikat ko.


"Oo bro. Totoo yun. Girlfriend ko sya. Sinagot nya ko last week. Bakit?" Si Blue. Yung boses nya parang ano yung dating sakin. Parang safe na safe ako sa kanya. Niligtas na naman nya ako. Kung di sya dumating baka umiiyak na naman ako ngaun. Itong taong to parang kabute eh. Bigla bigla na lang sumusulpot.

"Ah. Talaga ba? Sa pagkakakilala ko kay Athena hindi sya basta basta nakikipagboyfriend sa stranger." Tapos nag-smirk sya. Wow ha? DSa harap ko pa talaga si nagsagutan ah.

"Uhm. Bro, Don't you know that aside form both of you and Maigne eh may isa pa syang bestfriend? Or should I say closest bestfriend, better than you two?" Tapos nag-smirk din sya. Tska ano yung sinasabi nya? closest bestfriend? Sino yun? Siya? Hahaha. Kelan pa?

"At sino naman yun?" Naguguluhang tanong ni Xavier.

"You're looking at him, bro. I gave you a chance to love her and yet you still choose to hurt her. You know her health condition and you hurt her really bad. Is that what you call love?" Nabigla ako sa lahat ng sinabi ni Blue. Ano to? Nagbackground check sya sakin? Litsi to ah. Lagot ka talaga sakin mamaya.



Natameme si Xavier at di nakapagsalita. Mukhang tinamaan sya sa sinabi ni Blue ah.

"So bro. If you don't mind. May klase pa kasi yung girlfriend ko." Sabay tingin sakin. "Babe, sunduin na lang kita dito mamaya ha." Sabay halik sa noo ko. Anong ginagawa neto? Bat nya ginawa yun? Mayghad! Yung puso ko tas ang init pa ng mukha ko. Tumango na lang ako tapos pag pasok ko sa room yung mga classmate namin nakatingin sakin. Yung tingin ng kinikilig. Luh?! Pisti talaga yung lalaking yun. Ano ba heart? Kalma ka lang. Papatayin mo ba ko?!



"Ok class. Since it's just your second week of classes, I'll just let you do some assignments." Mr. Reloza


Habang nagsusulat sa board si sir di ko maalis sa isip ko yung ginawa ni Blue kanina sakin. Di ko maintindihan kung bakit nya ginawa yun. Anong gusto nyang palabasin? Masakit na sa ulo yung mga nangyayari ah. Pati sa puso masakit. Hay nako.


Lunch time na. Di ko alam kung bakit parang may inaantay ako or Sadyang mabagal lang yung oras. Kanina pa ko dumudungaw sa labas ng room eh.


Inayos ko muna mga gamit ko. Paalis na ko nang bigla may sumulpot. "Ay kabayo ka!" Yung mukha nya di mapinta. Di ko alam kung nagsusungit sya or natatawa dahil dun sa sinabi ko. Ako natatawa ako. Hahahaha!


"Really? Kabayo talaga?" Bat ang gaan ng pakiramdam ko sayong lalaki ka? Ano bang meron sayo? Hay nako.


"Hahahaha." Ako. "Ang ganda mo pala pag nakangiti ka eh. Parang wala kang problemang iniisip at walang sakit na dinadamdam." Stop it Blue! What are you doing to me?! Ginugulo mo buhay ko. Magulo na nga eh. Yung puso ko!


"Di ko alam kung anong balak mo." Yun na lang nasabi ko sa kanya. Naguguluhan kasi talaga ako sa kilos nya.


"Di ka lang maganda, ulyanin ka din pala. HAHAHAHA!" Sabi nya. Aba bastos to ah! Matanda na ba ako para sabihin nya sakin na ulyanin ako? Ay grabe tong taong to! Pero ano ba yung last week?


"Ano bang meron last week?" Curiousity kills the cat.



Vote and leave a comment about this chapter. Any suggestion for the next chapter is highly appreciated. :)



Soulmates By ChanceTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang