Date nya mukha nya. Ano ako easy to get? Hindi porket gwapo sya kaya nya na gawin lahat. Ayoko na. Niloloko lang ata ako netong hinayupak na to eeh. Tumayo na ko bigla. Aalis na sana ako kahit na meron ako kaso nakita ko sila Xavier at ang traydor kong bestfriend na si Maigne (Charlemaigne). Sumisikip na naman tong dibdib ko. Hirap na naman akong huminga. Ganito din yung nangyari sakin nung nalaman kong niloloko pala nila ako. Ganun ba kapag nasasaktan, ramdam na ramdam? Tss.
Tutulo na yung luha ko tapos napansin ako ni Blue na paiyak na ko. Nagulat ako sa ginawa nya sakin. Halikan ba naman ako sa harap ng madaming tao at sa harap nilang dalawa? Sana di na lang nakita ni Xavier yun. Masasaktan sya. Okay. Ako na talaga ang martyr. Pero after nya ako halikan bigla ako napaupo. Loading pa din sa utak ko yung nangyari.
Feeling ko ang init init ng mukha ko sa sobrang pula. Parang sasabog na. Ano ba kasing pumasok dito sa ulo ng taong to eh. Asar talaga!
Sumasakit pa din yung dibdib ko. feeling ko mag'cocollapse ako. At yun nga bigla na lang akong natumba. Nakita ko na lang na may bumuhat sakin pero di ko alam kung sino. Then after that, total black out na talaga.
***
BLUE POV
Kinakausap ko sya tapos sabi nya aalis na daw sya. Tumayo na nga sya eeh. Wala ba syang pake kahit makita nang iba na may period sya? Ibang klase talaga tong babaeng to. Paalis na sana sya pero napatigil sya. Yung mukha nya parang nakakita ng multo. Tinignan ko naman yung nasa likod ko. May pumasok na couple tapos nung pag tingin ko kay Athena Paiyak na sya. Bigla ko sya hinalikan sa labi. Di ko alam kung bakit pero feeling ko kailangan kong gawin yun. Di ko mantindihan sarili ko. Nababaliw na din ata ako eh. Nahawa ata ako sa babaeng to. Napaupo na lang sya tapos parang di pa nag'sink in sa utak namin yung nangyari. Pareho kaming natulala eh.
Ang pula pula na ng mukha ko siguro feeling ko kasi nasusunog yung mukha ko sa sobrang init eh. Pati din sya pulang pula din yung mukha. Normal ba yun sa kanya? Kasi feeling ko hindi eeh. Tapos bigla na lang sya nag'collapse. Sabi na hindi normal yun sa kanya eh.
Nabigla ako sa nangyari kaya binuhat ko na lang sya agad tapos dinala ko sa clinic. Nagtataka kayo kung bakit ko alam yung clinic? Syempre nilibot ko yung campus kanina kumain lang ako para makapagpahinga tapos ganito yung nangyari. Ayun pag punta namin sa clinic naghanap ako kaagad ng nurse.
STAI LEGGENDO
Soulmates By Chance
Storie d'amoreSorry for the lame story. I'm just a beginner in writing a story. So please bear with me. 😂