CHAPTER 8 (HBBFB)

9 0 0
                                    

CHAPTER 8 (HBBFB)


LOVELY's POV


*Inhale*

*Exhale*

Nakaiinis talaga! Di ko naman sinasadya na mahalikan yun! Eh kaya ko lang naman nahalikan natipalok ako.. T___T Nandito tuloy ako ngayon sa labas ng bahay at kaharap sila mama at papa. Mukang agagalitan pa ako! Well, pagagalitan talaga!

"Ikaw ang unang humalik sa boyfriend mo?" Tanong ni papa. Waaahhh!!!

"H-hindi po. Natapilok po kasi ako kaya-----"

"Hindi ko na alam gagawin sayo. Malaki kana at alam mo na ang tama sa mali. Baka sa susunod malaman nalang namin na may anak---"

"Papa naman!!! Ano ba yan! Never po yun mangyayari! Saka sinabi ko naman po sa inyo na sa tamang panahon ko gagawin ang pag papamilya!! Urgh!" Grabe! Ano ba naman sinasabi ni papa! Saka ako? Plus Axx? Woah! Woah! NO WAY!

"Bahala ka na.. Huling pag paalala ko na to. Malaki ka na. Sige na. Matulog ka na" Sabi ni papa kaya hinug ko agad sya

"Papa.. Don't worry okay? Mabait po ako.. And hindi ako tanga. Good night po" Sabay kalas ko kay papa saka si mama naman ang hinug ko "Good night ma" Sabi ko bago tuluyang pumasok na sa bahay. Ang lamig kaya sa labas!


>>> NEXT MORNING


"Lovely Red! Aba! Gumising ka na! Huy!!"

Hmmm.... Bakit parang umaalog ata? Huh? Baka wala lang? Makatulog na nga ulit---

"LOVELY RED!!!!!! YUNG BOYFRIEND MO NASA SALA NA!!!!!!"

"AY KALABAW! MA! Bakit naman po kayo sumisigaw?!" Sabay kamot ko pa sa ulo. Grabe! Napabangon agad ako sa kama! Parang nakalunok naman ng mega phone itong mama ko eh! =__= Grabe

"Una, hindi ako kalabaw! Nanay mo ko! At ikaw! Bumangon ka na! Kanina pang 4am dumating boyfriend mo! Pati tuloy kami nagising ng maaga eh 5am pa dapat gising namin ng papa mo! Naku naman!" Sabay labas ni mama ng kwarto ko at sinara ang pinto. What?! Si Axx?! Ano naman ginagawa nun dito?!!! At 4am nandito na?! Aba! Matinde!

Syempre bumangon na ako saka kinuha yung gamit ko sa pangligo. Sa maay kusina pa kasi yung cr namin. Di naman ako mayaman para may cr bawat kwarto. Binuksan ko na yung pinto---

"Waaah!!! Urgh! Ano ba yan Axx! Bakit ka nakatayo sa harap ng pintuan ko?!" Grabe! Mamatay ata ako sa sakit sa puso! Pagbukas ko ba naman ng pinto bumungad agad muka ni Axx! Sino ba namang di magugulat di ba?!

"Psh.. Your mom told me palabas ka na so i wait you here *Wink*"

Urgh! Inirapan ko lang sya saka nag lakad na papuntang kusina. Badtrip naman toh eh! Nadaanan ko naman si papa sa may kusina

"Aga-aga dumating ng boyfriend mo. Hindi ba nya alam oras ng klase mo? Diba 6am pa ang pasok mo" Tanong ni papa. Well, alam naman siguro yun ni Axx pero dahil nga gustong gusto nun na ginugulo buhay ko kaya nya siguro naisipang pumunta dito nang sobrang aga

"Excited ata" Excited mang bwiset sa akin!

"Tss.. Ang corny nyo anak ha? Kakakita nyo lang kagabi tapos excited agad na mag kita kayo? Ano yan? Gusto nyo nang tumira sa iisabg bahay ha?! Para araw-araw kayo nag kikita?" What?! Ano ba naman to si papa! Kung ano-ano na lang ang iniisip!!

"Pa! Ano ka ba naman! May sinabi po ba akong ganun??" Saka ako pumasok na sa paliguan. Ayaw ko na makipag talo kay papa. Ang lawak ng imagination eh! =____= Di ko masabayan!

After ko maligo at makapag bihis ng aking uniform pumunta na ako sa may sala namin. Dito na rin kasi yung kainan namin. Maliit lang naman bahay namin eh

"Oh tapos kana pala. Kumain ka na para maka alis na kayo nang boyfriend mo. Naku.. Naiinip na yan sayo" Sabi ni mama sa akin. Nakahain na rin pala yung pagkain ko

"Sino ba kasi nag sabi sakanya na pumasok ng maaga?!" Pabulong ko lang yan sinabi ha! Katabi ko kasi si Axx.. Pinaparinggan ko lang hehe

"Yung puso ko.."

Napalingon naman ako kay Axx with a disgust expression. Hanuraw?!

"Sabi kasi nang puso kong nagmamahal sayo, puntahan kita nang maaga *Wink* Alam ko naman na mas na-miss moko *Grin*" Wow! Sya na makapal ang muka!

"Hahaha! Naku kayo talaga. Bilisan mo na dyan Lovely.. Ikaw naman Axx wag mo muna pakiligin yan para makakain ng maayos" Sabi naman ni mama sa amin kaya napataas kilay ko. Di ko nalang pinansin si mama sa nakadidiri nyang sinabi at kumain na lang ako. After kumain nag paalam na rin kami kela mama at papa

As usual, hindi ako pinag buksan ng pinto nitong Axx. Ungentleman nga kasi!

Nakarating naman kami nang school na nagtitilian lahat ng mga estudyante. Syempre si Axx pinagtitilian. Psh! Edi sya na yung gwapo! Sya na! Pero tumigil din yung mga tilian ng inakbayan nya ako

"Pwede ba! *Roll eyes* Wag mo ko akbayan" Sabay tanggal ko nang kamay nya. Urgh! Ewan ko ba pero umiinit ulo ko sakanya!

Pagdating naman namin sa gym marami ulit na babae na nakasilip sa may gym ng accountancy. Sino naman pinag kakaguluhan nila? Tumabi naman sila nang dumaan kami. Kala ko di nila ako ulit papadaanin eh

Pag pasok namin.. Oh! Nandito pala si Kaizer. Ang FAKE boyfriend ni Trisha! Tss.. Ngiti ngiti pa silang dalawa. Ang pangit naman ng taste ni Trisha! Di kaya sila bagay! Promise! And kung iniisip nyong bitter ako? FYI, hindi ako bitter okay?

"Hihihi! Syempre love na love ko sya noh! Oh! Ayan na pala si Lovely! Bestfriend!!!!" Sabay kaway sakin ni Trisha kaya nginitian ko lang sya. Si Kaizer di naman tumingin sakin. Pake ko naman diba? Lalapit sana sakanila si Axx pero pinigilan ko

"Dun tayo umupo" Hinatak ko sya sa medyo malayo kayla Trisha na upuan. Naglapitan naman yung ibang babae sa amin at kinausap ng kinausap si Axx. Di naman sila kinakausap ni Axx.. Hay.. Mga kawawang babae. I-rent nalang din nila

"Good morning Ms. Adin" Bati ko kay Ms. Adin pagkalapit nya

"Good morning din ^__^ Wait ka lang Axx ha? Wala pa kasi si Grace Adartse. Nasiraan daw ng kotse" Sabi nya kaso di naman pinansin ni Axx =___= Galing talaga

"Ah.. Lovely.. Mag simula na tayong mag ayos sa mga props na kailangan" Sabi ni Ms. Adin saka tinawag na rin yung ibang members para tumulong kaya tumayo na agad ako

"Inggit ako sayo ha! ^__^ Ang hot nya!" Sabi nang isa kong classmate. Di ko nalang pinansin kasi di naman talaga ako swerte.

Tinignan ko naman sila Trisha at ayun! Tss.. Kinikilig mga classmates ko sa pag lalandian--- lambingan nung dalawa. Seriously? Di naman sila bagay ah? Ano kaya nakita ni Trisha kay Kaizer?



-----


A/N: Na-blank utak ko sa chapter na ito. Sorry ^___^V Hehe..

Sorry sa lahat ng mali. Sabi ko nga di uso sakin edit XD Peace!

Vote comment & let's be friends!

- ColdAndSilentGirl

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 04, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Her Bad Boy Fake Boyfriend (SHORT STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon