Prologue

27 3 2
                                    

"Where are you going?" Papalabas na sana ako ng bahay nang magsalita si Vanlex, kapatid ko. Nilingon ko siya.

"Starbucks" tipid kong tugon.

Ngumisi siya "Psh, advantage of being a singer, huh?"tatango-tango niyang saad. Palibhasa ang allowance ay tinitipid. "Mag singer nalang kaya ako, Kent?" Kumunot ang noo ko. "You know, enough money to buy some things?" kibit balikat niyang saad.

"Meron ka namang pera, ba't 'di mo gastosin?"

"Tsk, I need to buy my own car, shut up" Iritado niyang ani.

"Vanlex, kaka 17 mo palang. And if that's what you want, then you can ask dad tho" pagpapakalma ko.

"Oo nga naman, Kuya, hindi ka naman bubuhayin at papakainin niyang kotse mo e. 2 years mo na 'yang pinapangarap ah? Buti nalang thirteen pa ako di ko pa 'yan pinoproblema, 'yung pinoproblema ko lang e--"

"What?!" Di siya pinatapos ni Vanlex. "Kasi 'yung pinoproblema mo lang ay 'yang pagiging playboy mo?" Nag-iba ang itsura ni Zack, halos 'di na maipinta sa sobrang pagkakakunot.

"Hoy! 'di ako playboy!" Pagmamaktol niya.

"Come on Zackany, admit it. Pinapansin mo 'yang fans mo 'cause your first ever crush Kieshna was kinda snob. Pity you lil' bro"

"Shut up, kuya, bago ko pa lang naman 'yun nakilala. I'm sure mapapasakin din 'yun" taas-noong ani Zackany. Napapailing nalang ako habang pinapanood sila.

Madalas sila kung mag-asaran pero hindi naman ganun kalala. Madalas maasar si Zackany pero dahil narin sa ugali niyang ayaw magpatalo naaasar din niya si Vanlex. Kaya ang resulta, matagal na pagbibitawan muna ng salita sa isang napaka walang kwentang padedebatehan bago matapos.

"Tama na nga 'yan. Ikaw Zackany bata ka pa para r'yan, kaya magtigil ka" ngumuso lang siya at tiningnan ako nang masama.

"Whatever, Kuya. Magsama kayo!" Padabog niya kaming tinalikuran 'saka umakyat sa itaas. Napapailing ko siyang tinanaw paakyat.

Tss, napaka isip-bata.

Nakapamulsa kong tinitigan nang masama ang kapatid kong tatawa-tawa. Hindi ko mapigilang mapatitig sa kanya, minsan lang kung tumawa si Vanlex simula noong namatay si Mommy dahil sa sakit sa puso. Siya 'yong mas nasaktan bukod kay Dad. Siya kasi ang mas malapit kay Mom, halos nga hindi sila makakilos at palagi nalang kung matulala. Naging masakit din sa'kin 'yun ngunit kailangan kong mas maging matatag para sa kanila, lalong-lalo na kay Zackany, batang-bata pa siya no'n kaya kelangan siyang bantayan at alagaan. Wala rin namang mag-aasikaso sa mga bisita bagaman may mga katulong pero iba parin kung ako o sina Dad 'yung mag-aasikaso.

"Tinitingin mo Kent?" Napabalik ako sa realidad. Napa-iling nalang ako 'saka siya dinuro.

"Turuan mo 'yon maging pormal" maawtoridad kong sabi. 'Di ko na hinintay ang magiging tugon niya, umalis na ako doon. Napangisi ako nang marinig ang pag-angal niya.

Pfft, ayaw na ayaw niya talagang disiplinahin o turuan ng leksiyon si Zackany.

Pumunta na ako sa kotse ko. Hindi kami binibigyan ni Dad ng sarili naming kotse kapag ka wala pa kami sa tamang edad, para narin daw sa kaligtasan namin. Tutol naman 'tong si Vanlex dahil as if daw hindi siya mag-iingat.

Psh, loko.

Makalipas ang ilang minuto nakarating na 'ko sa Starbucks. Ngunit hindi ko inaasahang maraming sasalubong sa 'kin na mga kababaihan, karamihan sa kanila ay humahanga at pinupuri ako sa taglay na kagandahan ng boses ko.

"Salamat po sa suporta" napakamot ako ng ulo, hindi ko alam pero nahihiya ako ngunit mas nangingibabaw 'yong kagalakan. Ngumiti ako nang napakalawak na nakapagpatili sa kanila, kumunot nang bahagya 'yong noo ko.

Nakakakilig ba 'yong ngiti ko?

Napailing nalang ako. Hindi ko maiwasang mamangha sa dami ng tagahanga ko gayong alam naman nilang labing-walong taong gulang palang ako at bago palang sa larangan ng pagiging Singer.

Nakiusap naman silang lahat na magpapicture kaya pumayag na 'ko, 'di ko rin naman kayang tumanggi.

Halos tagaktak na 'yong pawis ko pagkatapos, hindi na ako nag dalawang-isip na pumasok. Ngunit habang papunta palang ako sa pinto napansin kong titig na titig sa 'kin 'yong Guard. Napansin naman niyang napatingin ako kaya umayos siya nang tayo 'saka niya ako ginawaran ng ngiti.

"Welcome po" pinagbuksan niya ako ng pinto, nginitian ko lang siya. "Ang gwapo niyo po pala sa malapitan Sir" usal niya nang papasok na 'ko.

"Salamat ho" napangiti ako

"Ahmm, Sir, pwede po bang pa autograph?" Napatigil ako sa Guard at ngumiti "Alam kong gusto niyo na pong makapagpahinga at bumili ng kape pero isa rin po kasing fans 'yong anak ko at gusto niya kayong makita, ngunit wala po siya rito, kaya autograph nalang po. Okay lang po ba sa inyo?" Napakamot siya nang bahagya.

"Nako, wala pong problema 'yon" ngumiti siya at binigyan ako ng papel 'saka ballpen. Agad ko naman itong kinuha at nagsimula nang magsulat. "Ano pong pangalan ng anak niyo?"

"Kristina Rose Delosaryo po" Agad ko naman 'tong sinulat. Naglagay rin ako ng message para sa babae.

"Ang ganda po ng name ng anak niyo" Nakangiti kong saad 'saka ibinalik ang papel at ballpen sa kan'ya.

"Nako, salamat po! Ang galing kasi ng misis kong mag-isip ng mga pangalan" ani nito nang nakangiti. Ngumiti rin ko sa kan'ya at nagpaalam na.

I just ordered a coffee and sat down. Napagpasyahan kong mag scroll sa aking social media account. Gusto ko lang mag relax dahil nakakapagod ang nakalipas na mga araw para sa akin. Sakit sa ulo pa 'tong manager ko. Nakaka pressure siya. Palagi niya lang iniisip kung paano ako mas magiging sikat. E hindi ko naman alam paano 'yun. Nakakainis. Tatandang binata yata ako nito pag siya parati kasama ko.

Tatayo na sana ako nang may napansin akong tao na nakatutok sa akin. I already sense na may tumitingin sa akin no'ng nag-oorder pa lang ako but I ignored it since it's already normal for me dahil medyo dumadami na mga fans ko. No'ng bago pa lang ako sa larangang ito, hindi pa ako sanay pero ngayon sinasanay ko na ang sarili ko. However this time, iba e. Palinga linga ako, hoping na may matantsa akong suspicious ang galaw, ngunit wala. Napagpasyahan kong ibalewala nalang ito't umuwi na, ngunit may nahagilap akong nagmamadaling babaeng lumabas sa Cafe. Agad akong nagmadali papunta roon para sana maabutan siya.

She is fast. 'Di ka kasi nage-exercise, Kent. Kaya ayan tuloy.

Thankfully, napahinto siya kaya naabutan ko siya."Teka lang, Miss" hinihingal kong saad.

"Ano?!" she give me a death glare.

"Whoah! chill! Gusto lang kitang tanungin kung ikaw ba 'yong tumititig sa akin kanina?" Nakayuko kong tanong. Ewan ko ba pero nawala angas ko. Parang nahiya ako agad.

Tumawa siya nang sarkastiko, "Huy, Kent, habang tumatagal pala mas lalo kang yumayabang" Kumunot ang noo ko. Her voice sounds familiar to me. I think she understand that I'm confused kaya pinakilala niya ang sarili niya, "I'm Leah Zen Querino" after saying that, she smiled sweetly that makes my system wild. I don't know why. She held my hand, "remember me now?" hinawakan niya ang baba ko to lift it up. Her dazzling eyes makes my heart beat so fast and all those memories na kasama siya ay nanumbalik sa akin.

"Ikaw pala 'yan" ang tangi ko lang nasagot.

HS#1: Biding Under the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon