02

20 3 1
                                    

"Anong nangyari sa 'yo?" Tanong ni Vanlex pagkauwi ko. Hindi ko rin siya masisisi kung bakit niya ako tinatanong dahil kitang kita sa reaksiyon ng mukha ko na wala ako sa sarili. Tulala ako habang nagmamaneho paparating dito sa bahay.

"Nothing. Don't mind me." seryosong saad ko na kinailing niya lang. Pumunta ako sa sofa malapit sa kan'ya para pakalmahin ang sarili ko.

"You look heartbroken, dude." Nakangisi niyang sabi na sinamaan ko lang ng tingin. Hindi naman na siya nagsalita at pinagpatuoy ang ginagawa kaninang pagbabasa ng libro kaya hinilot ko nalang nang marahan ang sintido ko.

Ilang minutong katahimikan bago siya nagsalita ulit. "I wonder who made you look like that"

"No one and no one will" sabi ko nalang bago tumayo at tiningnan siya nang seryoso bago umalis at pumunta sa kwarto.

Bago pa ako makatapak sa hagdan ay nagsalita ulit siya na agad kong kinatigil.

"So nagkita na pala kayo?" Inismiran niya ako na siyang kinakunot ng noo ko.

"How did you know?" Humarap ako sa kan'ya at sinamaan siya ng tingin.

"Zackany told me" Kibit balikat niyang saad 'saka pinagpatuloy ulit ang pagbabasa.

"I see. So nag-uusap pa rin pala sila ni Zackany at 'yung kapatid ni Leah." Tumatango kong saad na inismiran lang nitong si Vanlex.

Anong trip nito at ang hilig hilig mag smirk?

"Speaking of the annoyi-" Hindi na natapos ang sinasabi ni Vanlex nang magsalita si Zackany na hindi ko man lang napansing nandito na rin sa sala. May lahi ba 'tong flash at nandito na agad siya?

"Shut up, kuya Vanlex!" Sinamaan niya 'yung kuya niyang tumatawa habang nakatuon pa rin sa libro. Nang tumahimik na ang lalaki ay agad siyang tumingin sa 'kin nang masama. Whoah! Ano na naman trip nitong flash na 'to? "Hindi na kami nag-uusap, 'no! Nag text lang siya sa 'kin na nandito sila. That's it!"

Si Zackany at 'yung kapatid ni Leah, which is si Hanellette, ay kababata. Kapag summer kasi ay pumupunta kami sa province dahil may bahay kami roon. Doon kami nagbabakasyon pag school break na namin dahil gusto rin ni mama. No'ng nabubuhay pa siya, masiyado siyang na e stress sa mga kaso ng mga taong na hahandle niya since she is a lawyer, kaya gusto niyang mag unwind paminsan minsan. Pero ayaw niya naman na sila lang dalawa ni papa mag bakasyon dahil mga maliliit pa kami at masiyadong pasaway kaya kapag ka school break lang sila nakakapag unwind talaga. Bale, vacation leave nila 'yon. Pero ngayong wala na si mama, hindi na rin kami pumupunta kasi ayaw ni papa at Vanlex. 2 years na rin ang nakalipas. Masiyado silang nasaktan kaya kapag ka pupunta kami roon ay maaaring maging crying house 'yong bahay. Ewan ko lang baka maging tragedy 'yung maging pangalan ng bahay dahil sigurado akong iiyak din ako.

Mahal na mahal ko si mama at naging mahirap din para sa akin na wala na siya. Lalong-lalo pa dahil walang kahit na sino ang naging sandalan ko ng mga panahon na 'yon.

Naalala ko na pumunta rin dito sina Leah at 'yung pamilya niya para makiramay. Nag-usap naman kami pero 'yun ay dahil kinamusta lang niya ako. Kung ano 'yung nararamdaman ko at kung okay lang ba ako. Sinasagot ko lang 'yung mga tanong niya ng oo at hindi. Hindi ko pinakita 'yung totoo kong nararamdaman sa mga tao dahil sa isip ko ay kailangan kong magpakatatag.

"Alright." Kalmado kong sabi na agad niyang kinasimangot. Hahakbang na sana ako nang may napagtanto. "T-teka." Tinuro ko si Vanlex na tuwang-tuwa na naman ngayon. "Kung 'yan lang 'yung sinabi ng kapatid ni Leah, e paano mo nalaman na nagkita kami?"

"Huh? Anong nalaman? Pinagsasabi mo? Nagtatanong lang ako no'n kung nagkita ka'yo. I don't expect that you will overreact." Kibit balikat na sabi ng unggoy.

HS#1: Biding Under the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon