"'Yun lang? Wala man lang kamusta?" dismayado siyang tumingin sa akin. Naglakad siya habang nakahawak ang dalawang kamay sa leeg. Sumunod naman ako sa kan'ya. "Balita ko singer ka na raw?" Tumingin siya sa akin, hinihintay ang sagot ko.
"Ah oo" tiningnan ko siya. Inismiran niya lang ako at tsaka naglakad na uli. Hindi na siya nagsalita kaya nanahimik na rin ako. May malapit ditong dalampasigan. May mga modern bahay kubo roon. I assume isa itong resort. Pumunta siya sa entrance kaya pumunta na rin ako. Ewan ko ba at bakit ako sumusunod sa babaeng 'to e hindi ko naman 'to magulang.
tsk
Wala silang security guard, siguro malayang nakakapunta ang mga turista rito at mga gustong maligo. Ang babayaran lang ay ang cottages at mga bahay kubo kung sakaling matutulog sila.
Tumigil kami malapit sa dalampasigan at pinagmasdan ang paligid. Hindi ko maipagkakailang napakaganda nito lalong-lalo na ang dagat.
"Ang ganda!" nakangiti niyang tugon. Maganda nga ito lalong-lalo na dahil may mga bundok din sa 'di kalayuan.
Makalipas ang ilang minutong nakatayo habang minamasdan ang paligid ay napagpasyahan niyang umupo. Nang mapansin niyang hindi ako kumikibo sa kinaroroonan ko ay kinalabit niya ako. Tumingin ako sa kan'ya. "Umupo ka, Kent. Baka pagalitan pa ako ng fans mo dahil nagka varicose ka" natawa ako at umupo. Hindi pa rin siya nagbabago. Mabuti na rin 'yon para hindi kami mailang sa isa't-isa.
"So how are you? And bakit ka nga pala pumunta rito?" Gusto ko sana siyang asarin na baka pumunta siya rito para makita ako ngunit ayoko ring ma awkward siya nang dahil dito. Alam kong matagal na taon na ang nakalipas nang mangyari 'yon ngunit hindi ko pa rin 'to makalimutan. Gusto ko mang kalimutan, ngunit mahirap.
"Wow ah, ayaw mo bang makita ako? Uuwi na nga lang ako" Umakto siyang nagtatampo at umatras nang bahagya. Tumawa ako dahil do'n. I realized how I miss her being like that. Being herself. "Anong tinatawa mo r'yan?" Sumeryoso ang tingin niya kaya napatigil ako sa pagtawa at kinabahan. Ewan ko ba ang laking epekto niya sa 'kin. "Char lang. Anyways, pumunta ako here kasi rito muna ako mag-aaral as of now ng Senior high School. Wala kasing ABM strand doon sa province, so here nalang daw ako sabi nila mama at papa."
"That's good then" wala sa sarili kong sabi.
"Hahaha what do you mean it's good?"
Tumikhim ako, "Ahm, I mean," nag-isip ako ng pwede kong madahilan. Bakit ba kasi padalos-dalos 'tong bibig ko? "That's good that you'll pursue your dream" I smiled awkwardly.
"Actually, hindi ko talaga first choice ang lugar na 'to. I want to go to Manila to pursue my dream course also. I've discovered kasi na wala 'yong dream course ko sa inooffer ng mga different college schools dito. Ay mali. Merong ibang college schools pala na nag-ooffer kaso kadalasan sa mga students ay hindi nakakapasa sa CPA board examination so natatakot ako. So ayun, gusto ko sana pumunta roon para hindi na ako mahirapan in the future kapag ka mag-eenrol ako. Also, a lot of college schools ang may BSA course doon and mataas ratings"
"Sinabi mo ba kila tita na gusto mo sa Manila?" Tita 'yung tawag ko sa mama niya dahil medyo close rin kami dahil na rin kapitbahay kami no'ng nandoon kami sa probinsiya nag bakasyon.
"Oo kaso ayaw nila dahil baka mapano ako roon at tsaka malayong malayo ako sa kanila. Okay lang daw rito kasi malapit-lapit lang tsaka dito rin kasi kayo nakatira. Ewan ko ba bakit may tiwala si mama sa 'yo. Mukha ka namang pagong"
"Wow kung makapanglait naman 'to." Nakangusong saad ko. Napangiti naman siya kaya napangiti na rin lang ako. "So what's your dream course then?" tanong ko.
Kumunot naman ang noo niya tsaka masusang tiningnan ako "Sinabi ko na sa 'yo kanina, 'di ba?" Tsaka ko pa naalala na sinabi niya nga 'yon kaso nakalimutan ko.
BINABASA MO ANG
HS#1: Biding Under the Rain
RomanceHeniro Series #1 "If living without you is the key to success, then might as well stop this kind of nonsense."