PART 2

6 3 0
                                    

5 years later…

Papunta na sana ako nang may sumigaw ng pangalan ko kaya napatingin ako kung saan iyon nang makita ko si Chad...

"Hi". Sabi niya ng makalapit sakin.

Alam kung gwapo si Chad pero mas lalo siyang naging gwapo at sa isang tingin mo lang ay alam mo na talaga na anak siya ng isang mayaman.

Niyaya niya ako sa isang cafe at pumayag naman ako. Wala namang mawawala sa akin at napatawad ko na siya kahit ang sakit ng ginawa niya sa akin noon.

Ng maka upo na kami ay tumawag siya ng waiter at nag order siya na rin ang nag order para sakin at siya na din ang nag bayad.

"Kamusta ka?" Tanong niya.

"Eto, nag-aaral ng mabuti para sa kinabukasan ko," sabi ko habang nakangiti.

"Mabuti naman." Nagkwentuhan lang kami na parang walang namamagitan samin noon kahit na dapat ako ang nasaktan pero mas masaya ako dahil ang sarap sa pakiramdam na makita ko ulit ang best friend ko.

Simula noon, lagi na kaming nagkikita ni Chad at laging masaya ang mga araw ko. Nabalitaan ko din na may kapiyad na siya at 4 years old na ito pinakita pa niya yung picture ng kapatid niya ang cute pa naman.

Dahil sa pagdalas-dalas naming pag kita ay binigyan niya ako ng invitation para sa celebration niya kaya naghanap ako ng magandang isusuot.

8 pm sabi nya kaya pumunta ako sa location na tinext nya, I wondered about kung mali yung location na nag message sya kasi abandoned yung building na napuntahan ko...

Ngunit tama pala ang kinalalagyan ko, pumasok ako sa loob ng building at pagdating ko pa lang ay tinatali na ako ng mga kaibigan ni Chad.

Tumatawa sila habang tinatali ako, sinubukan kong lumaban ngunit marami sila kaya wala na akong takas. Nag matapos nila akong tinali ay nakarinig ako ng footsteps...nilingon ko kung saan ito at nakita ko siyang may malademonyong ngiti at lumapit sa akin.

"Oh god, paano ka naging tanga akala ko matalino ka...at naniwala ka na man na magiging magkaibigan ulit tayo kahit hindi kita tinuring na kaibigan sa simula!" Parang gumuho ang mundo ko...yun ang huling salita niya bago ako bugbugin ng mga kaibigan niya at siya ay nakatingin lang na parang deserved ko ang ginagawa ng mga kaibigan niya sakin.

Hindi masakit yung buog-buog pero masakit yung sinabi niya sakin. Para akong nalulunod sa sinabi niya. Hindi ako makahinga... hanggang sa nakita kong dumidilim na ang paningin ko.

Nagising ako sa isang kwarto at nahulaan kong nasa ospital ako, nag-aalala sa akin sina mama at papa... Sinabi ko rin sa kanila lahat ng nangyari ay ginawa sa abandonadong gusali.

Galit ang mga magulang ko pero mas galit ako. Masakit ang ginawa ni Chad at kailangan siyang managot, sumbara-sumbara na ang ginawa niya saakin, ngunit dahil sa yaman ng kanyang step-father, hindi siya naparusahan.

Masakit para kay mama at papa pero sinabi ko sa kanila na okay lang sa akin.

Dahil sa pangyayaring iyon, hindi na ako ganoon kadaling magtiwala sa mga tao. I even went to a therapist to overcome my trauma and I learned that if you love someone so much that you easily forgive them a little reminder you should have a little respect for yourself.

Masakit lahat ng pinagdaanan ko pero marami akong natutunan at pinag-isipan ko ang lahat at inilalagay ko ang natutunan ko sa nakaraan bilang babala para sa kasalukuyan at kinabukasan ko...at masaya na rin ako Ngayon at nakapagtapos na at abogado na rin.

*********

Thank you everyone for reading my story. I hoped that you liked it and see you in part 3 Chad's POV.

KaibiganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon